"Haha.." sarcastic na tawa nya, sabay irap dito. Them being together was merely for protection as he mentioned before. Nagpanggap lang namin sila para daw hindi sya maligawan. She cannot even remember na pumayag sya dito noon pero hindi din naman sya tumanggi.
"Bakit hindi ba? atleast you can mention that to others para hindi nila isipin na NBSB ka.. dont worry I wont mind." nakangiting turan nito.
Ngayon nya lang ata naramdaman na kung gaano nya namiss ang binata. Simula ng dumating ito ay ngayon pa lang talaga sila nakapagusap.
"But seriously.. Can we enjoy my stay here? I want to be with you all. I want to spend as much time as possible with you guys. Can we make it memorable?"may pakiusap sa tono ng boses nito. Well, gusto din naman talaga nya makasama ang binata pero ang isipin na makakasama din nila sigurado si Kirsten ay nagpapasikip sa kanyang dibdib. Napatango na lamang sya dito kahit hindi nya alam kung pano maitatago dito ang sakit sa tuwing makikita nyang magkasama ang dalawa.
"Lets go?" untag nito sa kanya na nakatayo na pala sa harap nya at naghihintay ang palad nito upang abutin nya. Inabot nya ito at bahagya na syang hinila nito patayo sa kinauupuan nyang swing. Nang akmang babawiin nya na ang kamay nya eh naramdamang ang bahagyang pagpisil nito sa palad nya at mas lalo pang hinigpitan ang hawak nito. Nagangat sya ng tingin dito at nasalubong ang mga mata nito na bahagyang nakangiti. "Just want to know if it still feel the same." pagkaraan ay sabi nito at iniiwas na ang tingin sa kanya. Naguguluhan man ay hindi na sya nagtanong pa. Inalalayan sya nitong makasakay sa kotse tska ito umikot para makasakay na din.
" Saan tayo pupunta? akala ko ba uuwi na tyo?" tanong nya mg mapansing palabas na sila ng subdivision.
"Kumain na muna tayo. Hindi ka naman nakakain ng mabuti kanina.Look at you. You look so thin!" sinuyod pa sya ng tingin nito at tsaka umiling iling.
"Excuse me! There is difference between being thin and being slim. Im slim!" irap na sagot nya dito. She actually tried to lose some pounds and she don't know if he's just exaggerating it but shes happy na may bunga naman pala ang pagdadiet nya.
"Excuse you Miss, its the same, pinaganda mo lang yung thin."naiiling na sagot nito. "Ano ba kasi pinaggagawa mo at pumayat ka ng ganyan? Hindi ka ba kumakain Sharlene San Pedro?"
"Kumakain naman, I started to go to the gym. Since I'm doing Clinical now medyo madali nako mapagod at para lumakas na din katawan ko." Simula pagkabata eh sakitin na talaga sya. Madalas sya magkasakit kaya ayaw sana ng mga magulang nya na kumuba sya ng Nursing noon dahil nga baka hindi kayanin ng katawan nya. Pero dahil nga yun ang gusto nya e pinagbigyan na din sya ng magulang nya.
"Akala ko ba gusto mo talaga magturo eh bakit nag Clinical ka pa?"
"Sa dalawang taon na pagtuturo ko parang namiss ko rin yung amoy ng Hospital. At nagtuturo pa din naman ako.. hindi nga lang sa klase." Tinanggap nya ang offer ng hospital na pinagtatrabuhan nya na magovertime at maging Clinical Instructor sa nga estudyante na affiliated sa hospital nila. Dahil wala din naman syang ginagawa tuwing off nya e pinatulan nya din at para na din hindi nya masyado mamiss ang pagtuturo.
"Are you trying to kill yourself Sharlene? Bakit kailangan mo pa tanggapin ang pagiging CI (Clinical Instructor)? It is as if kailangan mo ng madaming pera." may himig na iritasyong sagot nito.
"Well, I dont. Pero wala din naman akong ginagawa sa bahay at walong oras lang din naman ang pasok ko kaya may oras pa din akong gawin yung mga ibang bagay." nakita nya pa din ang hindi pagayon nito pero hindi na din naman nakipagtalo pa.
Pagkatapos nilang kumain eh umuwi na din sila at hinatod na sya nito sa bahay nila.
"Tara pasok ka muna." aya nya sa binata at agad naman pumayag ito.
"Hi Ma, andito na po ako."
" Sinong kasama mong umuwi, gabi na ah!" tanong ng kanyang mommy, sasagot na sana sya ng pumasok si Dony at agad napansin ng ina. Agad naman itong inasikaso ng ina."Gusto mo ba magkape muna?" tanong nya ky Dony na ngayon e nakaupo na at kausap ang ina. Tumango lamang ito bilang tugon.
" Ay anak tumawag pala kanina si Jai, sabay na daw kayong pumasok bukas dadaanan ka daw nya dito." "Ok po mommy, tatawagan ko na lang po sya mamaya.
Papasok na sya ng kusina ng marinig ang ina. "Naku Dony bilib nga ako dyan kay Jairus dahil kahit out of the way naman itong bahay namin e nagagawa pa din nyang ihatid sundo itong si Sharlene."
Pagkatimpla ng kape eh agad na syang lumabas ng kusina. Nagulat pa sya ng hindi na makita si Dony kung saan ito nakaupo kanina.
"Umalis na si Dony anak, ewan ko ba dun nagmamadali kaylangan na daw talaga nyang umuwi."
Nagtataka man sa kinilos ng binata e pinagkibit balikat na lamang ito. Baka tumawag si Kirten at hinahanap na ang binata kaya hindi na nagawang magpaalam pa sa kanya.

YOU ARE READING
Girlfriend
RomanceWill loving him secretly be enough for her to be happy or does keeping it to herself means hurting and consuming all the love she can give.