Chapter 17

149 10 0
                                    

Hindi nya alam kung paano sya nakatakbo papuntang banyo.Ng makita nya si Kirsten kanina ay parang gusto na lamang nyang kainin ng lupa. Ano bang ginawa nya?Bakit sya nagpadala sa emosyon nya? Hindi man lang ba nya naisip si Kirsten? Wala na sya mukang maihaharap pa dito. O sa kahit na siguro kanino sa kahihiyan na nararamdaman nya ngayon. Nghihina ang tubod nya na napaupo na lamang sya sa sahig. Love really make you do stupid things, that's what she realized.

Nagulat sya ng may humahangos na nagbukas ng pinto ng banyo. At mas nagulat sya ng mapansin na maliwanag na sa labas. Nakatulog pala siya sa loob ng banyo. Napagod ba siya para hindi na kayanin pang magpunta sa kama? Nasapo nya ang ulo ng maalala ang nangyari kagabi.

"Hey! I was so worried about you! Bakit diyan ka natulog? Anong nangyari?"sunod sunod na tanong ni Jairus sa kanya. Hindi nya alam kung anong isasagot dito. Kahit alam naman niyang kaibigan nya ito at hindi sya huhusgahan ay nahihiya pa din sya dito sa kagagahan na ginawa nya. Umiling lamang sya at lumabas na ng banyo. Kahit naman may karapatan si Kirsten na ikalat ang nakita nya ay umaasa pa din sya na wala itong pinagsabihan na iba.

"May gusto ka ba sabihin?" susog pa nito. Ng hindi pa din sya sumagot ay niyaya na lang sya nito. "Halika na, nakahanda na yung pagkain, pinahanap ka lang sa akin ni tita dahil hindi ka daw sa kwarto nyo natulog kagabi." may pilyong ngiti na sa mga labi na sabi nito. Puwede bang bigla na lamang siyang mawala. Hindi nya alam kung paano nya haharapin ang mga ito kung sakaling malaman ang nagawa nya. Baka itakwil na sya ng pamilya niya.

"Pakisabi na lang na mamaya na ako kakain. O kaya sabihin mo na lang na hindi mo ako nakita." nagaatubiling sagot nya dito.

"Halika na, wala silang alam. Hindi ka dapat mahiya." mapanuksong sabi nito. May alam ba ito? Kung meron man,paano nya nalaman? Parang sasabog ang utak nya sa kakaisip.

"Lalaki pa din naman ako Bebe Shar, hindi naman siguro kayo nagbato bato pick lang magdamag. Besides, I saw you two kissing. Saan pa ba matatapos yun?" halos takpan nya na ang tenga nya para lang hindi madinig ang sasabihin pa nito.

"Kirsten saw us." mahinang sabi nya. "Hindi ko din alam bakit pumayag ako. I dont want to hurt her. I have no intentions to." Naiiyak na sabi niya. "You think Kirsten will leave Dony?"

"Sa lahat ng nangyari nararamdaman pa din ni Dony ang nasa isip mo?! Alam mo minsan gusto ko na lang talaga magpakalalaki para ako na lang mahalin mo. Masyado ka ng hulog kay Dony pero parang wala naman siyang balak suklian yun."

Kung nasasaktan man siya ngayon alam niyang mas masasaktan si Dony kung iiwanan siya ni Kirsten. She needs to do something. Ayaw niyang siya ang maging dahilan para masaktan at mahirapan si Dony. She'll talk to Kirsten, she'll apologize dahil kung tutuusin kasalanan naman niya talaga dahil pumayag siya kahit alam niyang lasing ang binata at hindi makapagisip ng tama sa oras na yun.

Tama nga ang sinabi ni Jairus. Natapos ang agahan na wala naman nagtanong sa kanya. Kahit ang mommy nya ay di na nagtanong kung bakit hindi siya sa kwarto nila natulog kagabi. Naguusap lang ang mommy nya at ang mommy ni Dony tungkol sa kung ano anong bagay. Hindi sumabay sa kanila ng agahan si Dony na lubos naman nyang pinagpasalamat.

Hindi nya alam kung hanggang kelan nya maiiwasan si Dony pero isa yun sa mga plano niyang gawin. Ayaw na nyang madagdagan pa ang mga kasalanan nya kung ipagpapatuloy niya pa ang pakikipagusap dito. Babae din siya at alam niya kung gaano kasakit ang makita ang mahal mo na may kasamang iba. Sa lahat ng tao siya ang mas nakakaalam nun.

They're packing their things dahil pabalik na sila ng Manila ng may kumatok sa kwarto nila ng mommy nya. She opened it para lamang magsisi ng makita niya si Dony sa labas ng pinto. Binati lang nito ang mommy nya at tinanong ito. "Tita, can I talk to Shar for a while?" tututol na sana siya ng pinagtabuyan naman siya ng mommy nya na sumama dito. " Go na anak, I can manage hindi mo din naman maayos ng mabuti yung mga gamit dahil parang lumilipad ang utak mo." Napabuntong hininga na lamang siya na sumama dito. They went for a walk. Nobody's talking. Nagpapakiramdaman. She doesn't know pero inihanda na niya ang sarili na masaktan sa kung ano mang sasabihin nito.

"Shar.. I-Im really sor—
"Its just sex. Kalimutan na natin yun." Hindi nya alam kung paano niya pinakaswal ang pagkakasabj niya nun. Dahil kabaligtaran nun ang nararamdaman niya. Nakita niya ang galit na agad rumehistro sa mukha nito. Bago pa ito muli makapagsalita ay tumakbo na siya palayo dito habang tuloy tuloy ang pagpatak ng luha niya.

GirlfriendWhere stories live. Discover now