Chapter 8

165 8 0
                                    

"Im sorry."pagkaraan ay turan nito kasabay ng paghinto ng sasakyan nito sa harap ng park sa loob ng subdivision nila. Bago pa nya matanong ito ay nakalabas na ito at nagtungo sa kanya para pagbuksan sya ng pinto. Nalilito man ay bumaba sya ng sasakyan at sumunod dito. Naupo ito sa isa sa mga swing na paborito nilang tambayan noong mga bata pa sila at ininguso ang isa para doon din sya umupo. Hinintay nya ulit itong magsalita pagkaupo nya pero hindi naman ito muli nagsalita.

"I know I've been rude kanina, Im sorry." pagkaraan ay sabi nito.

"You see.. you never told me that you have a boyfriend. Wala ka naman nakwento sa akin na may nanliligaw sayo. And biglang may ipapakilala ka na sa akin? How do you expect me to react?" pagpapatuloy nito.

"You never told me that you have a girlfriend either." dahil walang mahanap na isagot dito dahil totoong wala naman syang boyfriend at walang ikukwento dito.

"Isa pa when was the last time that you actually ask how I was? When was the last time that you actually call para alamin ang nangyayari sa buhay ko? For the last 5 years that we're apart I never stop communicating with you. But I guess I was not that important to you for you to at least spend an hour to call or write me back." bakas ang hinanakit sa boses nya at sa hindi malamang dahilan kahit papaano ay parang nabawasan ang bigat sa dibdib nya.

She's been keeping that for long time. She never stop thinking kung bakit bigla na lamang nyang naramdaman ang paglayo nito. Hindi na ito madalas tumawag o kung tumawag man ay lagi naman nagmamadali. Gustuhin man nyang sumbatan ito noon pero lagi na lang nya iniisip na baka nga abala ito at madaming ginagawa dahil pinagsasabay ang dalawang trabaho nito sa Canada. Wala syang ginawa kung hindi intindihin ito at bigyan ng magandang rason ang mga bagay na ginagawa at hindi nagagawa nito. But sadly, meron naman pala itong ibang pinagkakaabalahan. Meron pa lang Kirsten na pinaglalaanan ng oras nito.

"My life in Canada was a mess."Nakita nya ang paglamlam ng mga mata nito pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon. "I even don't remember how I survived those five years.Paano ko nakayang magisa.Paano ko nakayang umuwi pa ng bahay pagkatapos kong magtrabho ng labing walong oras. Paano ko nakayang malayo sa inyong lahat. Para saan? Para sa pangarap ko? Bakit naging ganoong kahirap abutin yun.? Hindi iilang beses ko naisip umuwi na lang. Dahil sa pagod, dahil sa lungkot. But I guess.. I just need to endure all of that to be where I am right now. And Im thankful to have met Kirsten." Lumingon ito sa kanya. Nakangiti ito pero hindi umaabot sa mata at kita sa mga ito ang hirap at lungkot na dinanas nito.

She doesn't know what to say. Is she being selfish for thinking how hurt she was habang ito pala ay hindi rin naman naging madali ang buhay doon.At ang babaeng nagiging dahilan ng sakit na nararamdaman nya eh ang babae pa lang tumulong at nandoon para sa lalaking mahal nya.

How she wished she was there..with him. But still the question is.. is he gonna fall for her too? Kung nandoon ba sya maari bang sya ang minahal nito?

"I miss you so much! This is the day I always look forward to. Makita ka.. makasama ka.. I miss my old self.. I miss being with you.. I miss my bestfriend.. I miss everybody here." Nang lingunin nya ito makikita dito ang labis na lungkot. Ganito ba kahirap ang pinagdaanan nito doon?

"I lied, Jairus is not my boyfriend." pag amin nya.Sa hirap ng naranasan nito ayaw nyang magsinungaling pa dito at makadagdag pa sa iisipin nito.Gulat ang rumehistro sa muka nito.

"Huh?

"I dont know.. I just.. I really dont know.. Sorry!" kahit sya eh hindi nya naman talaga alam kung anong pumasok sa utak nya at nasabing nobyo nya ang kaibigan.

"What do you mean you dont know? Seriously, he is not your boyfriend?" paninigurado nito.

"Hindi nga. Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi yun. I guess ayoko lang mag mukang.." hindi nya matuloy ang sasabihin dahil ayaw naman talaga nyang ipaalam dito kung bakit.

"Mag mukang..?" sundot nito na ngayon ay nakatuon ang buong atensyon sa kanya.

"Magmukang NBSB pa din." kinakabahang nakangiting sabi nya at umaasang hindi na ito mangulit pa.

"Hindi ka naman NBSB ah! We were together right?"
marahas ang lingon ginawa nya dito dahil sa sinabi nito at kitang kita ang pilyong ngiti nito na nakaukit na ngayon sa mga labi nito.

GirlfriendWhere stories live. Discover now