Chapter 12

145 8 0
                                    

Alas kwatro pa lang ng umaga at gising na sya. Ito ang araw ng alis nila papuntang Batangas kung saan niyaya sya ni Dony para sumama. Kasama ang mommy nito, si Hana ang bunsong kapatid nito at sympre si Kirsten.Niyaya nito ang mga magulang nya pero tanging ang mommy nya lang ang nakasama dahil abala ang ama sa trabaho.Pinilit na din nya isama su Jairus para kahit papaano ay may makausap at makasama sya. Malamang ang mommy nila Donny ay mageexplore sa beach resort dahil mahilig ang mga ito sa nature at syempre si Kirsten ang sasamahan ni Dony. So para hindi naman sya magmukang loner ginawan nya ng paraan makasama si Jairus. Susunduin sila ng mommy nya ni Jairus. Ito na ang magdadrive para sa kanila, kahit nagsuhestyon si Dony na pwedeng van na lang ang dalhin at kasya naman silang lahat. Pagkaayos nya ng gamit na dadalhin bumaba na sya para matulungan naman ang mommy nya.Dalawang araw lamang sila doon pero parang isang bwan na bakasyon ang dalang gamit ng mommy nya.

"Ma, do you really need to bring all these? Dalawang araw lang tayo sa Batanggas." pagpapaalala nya sa ina. "Mas mainam na yung handa tayo anak." nakangiting sagot nito. Sa tuwing aalis sila laging ang mommy nya ang may pinakamadaming dala. True enough dahil sa tuwing may kailangan sila na nakaligtaan dalhin ay lagi itong may extra na dala.Hindi nagtagal ay dumating na si Jairus at umalis na din sila.Pupunta muna sila kila Dony para daanan ang mga ito at para sabay sabay na silang bumyahe.

"Good morning Tita Maricel!" bati nya sa ina ni Dony ng makarating sila sa bahay ng mga ito. Bumaba lang sila saglit para makapagunat para sa byahe kahit hindi naman kalayuan ang pupuntahan.

"Sharlene anak, pwede bang kay Dony kana sumabay dito na lamang ako sasabay sa mommy mo at walang kasama si Dony bumyahe." Napatingin sya sa pwesto ni Dony na nakatayo sa hood ng kotse na iniinspeksyon nito.

"Po? asan po si Kirsten?"
"Naku yun nga tumawag baka mamayang gabi  na lang daw sya pupunta at may biglaang lakad daw. Hindi ko kasi kabisado ang daan at gagamit na lang daw ng waze itong si Dony e hindi ko naman alam gamitin yun kaya mabuti pang ikaw na sumabay sa kanya. Ok lang naman yun iho db?" tanong nito na nakatingin kay Jairus na para bang humihingi ito ng permiso.

"Ayos na ayos lang po Tita" dinig na sagot nito at may nakalolokong ngiti na gumuhit sa mga labi nito.

"Kung ganon tara na para hindi tyo abutang ng traffic." aya sa kanila ng mommy nya. Kinula nya lang ang gamit nya sa kotse ni Jairus at lumipat na sa sasakyan ni Dony. Pagkasakay nya pinaandar na nito ang sasakyan at nilabas ang kaliwang kamay para bigyan ng senyales si Jairus na aalis na sila. Lumingon ito sa gawi nya at nakita nya ang pagkasalubong ng kilay nito. May sinabi ito pero halos hindi na iyon narinig dahil sa atensyong nakuha nito sa tinging ibinigay nito sa kanya. Mas gumwapo ba ang binata sa pagkakasimangot nito. Nagulat pa sya ng lumapit ang muka nito sa muka nya at may inabot na kung ano sa tagiliran nya.Napaigtad pa sya ng may marinig na mahinang click at kasunod nito ang pagbusina ng sasakyan na nasa likod nila. Para syang binuhisan ng tubig ng marealized ang nangyari. "Im sorry." nahihiyang sabi nya at lumingon na lamang sa labas ng sasakyan.

""Shall we go? are you ready?" tumango na lamang sya ng hindi lumilingon sa binata.

"Namiss ko na ang resort. Do you remember when was the last time we went there?" tanong nito ng hindi na siguro makatiis sa katahimikan na bumabalot sa kanila. Hinding hindi nya malilimutan ang araw na yun. It was his 21st birthday he decided to celebrate it there with our college friends padespedida na din daw dahil malapit na sila maghiwahiwalay after graduation.

" Truth!" nadinig nyang sagot ni Dony na parang tinamaan na din ata ng alcohol na ininom nito. Naglalaro sila ng truth or dare habang nagkakasayahan sa harap ng bonfire.

" If Sharlene is not your besfriend, will you pursue her?" marahas ang ginawa nyang paglingon sa kaklase na nagtanong noon. "Hey this is not about me dont include me with your question!" saway nya dito, kasabay ng malakas na tambol ng dibdib nya.

" That's for sure!" nabingi ba sya? tama ba ang nadinig nya kay Dony?

GirlfriendWhere stories live. Discover now