Pangalawa ito sa pinakamabigat na araw na meron sya. Ang una ay noong araw na umalis si Dony ngayon naman eh ang pagbalik nito na may dala ng nobya. For the longest time na magkahiwalay sila hindi sya tumigil na padalhan ito ng email, kamustahin ito, magkwento at iparamdam dito na importante pa din ang binata kahit magkalayo sila. Kaya pala bigla na laman dumalang ang pakikipagusap nito sa kanya. May nobya na pala ito na pinaguukulan ng oras.
Dony is her first love and first heartbreak. Nakatulugan nya na ang pagiyak kagabi. Never had she imagined na magiging ganoon kasakit.
She's lazy to go off the bed ng tumunog ang cellphone nya.
Good morning Shar!Meet you later to our place? Sorry cant pick you up. See you later!-Dony
Nalungkot sya at hindi mapigilang tumulo ng mga luha nya. How a simple message can hurt her like this. Dahil ba hindi sya nito masusundo na nakagawian na nito sa tuwing lumalabas sila? or the thought that he cant pick her up because he'll go and pick up Kirsten instead? Kaya nya ba? Kaya ba ng puso nya na umarte sa harap nito na para bang hindi sya nasasaktan? Can she hide her pain, her tears her longing for him? "Ahhh! fuck this heart! bakit ang sakit sakit?! subsob na iyak nya sa unan na mahigpit nyang niyakap.
Hindi nya alam kung paano sya nakarating sa meeting place nila ni Dony. Ito ang paborito nilang tambayan ni Dony sa tuwing lumalabas sila. Nakaharap ito sa Manila bay na tanaw na tanaw ang paglubog ng araw. Hindi kaperas ng ibang kainan doon, tahimik ang bahagi ng restaurant na iyon. Marami ang nagpupunta sa restaurant na iyon pero katulad nila e tahimik din ang mga tao dun na taimtim na tinatanaw ang kagandahan ng paglubog ng araw at ang masarap na pagkaing inahahanda doon.
Wala pa si Dony pero naupo na sya sa silyang pinareserba nito. Same place as before. Before. How she wished na ganon na lang ang sitwasyon nila.Kung paano sila dati. Kung pano nila naeenjoy ang oras na magkasama sila.
Malayo ang tanaw nya ng maramdamang may humalik sa gilid ng ulo nya at ng mag angat sya ng mata eh nakita nya ang nakangiting si Dony. Naputol ang sanang pagbalik ng ngiti dito ng makita si Kirsten na nakatayo sa tabi nito. " Sorry Shar, kanina ka pa ba? medyo natraffic kasi kami."paumanhin nito. Tinignan nya ang relo nya at nagulat pa sya nang makitang halos isang oras na pala itong late sa usapan nila. Hindi nya na napansin ang oras sa dami ng iniisip nya. "Ok lang." tipid na sagot nya.
"Hi Sharlene! Sorry for tagging along! Dony told me that this place is superb so pinilit ko syang isama ako. I hope thats ok with you." ani Kirsten. Bahagya lamang sya tumango kahit kanina pa nya hinihiling na sana ay hindi ito isama ng binata. "Shall we order then?" na muli nya tinanguan.
Tahimik lang sya kumakain, habang enjoy na enjoy ang dalawa sa pagkain na para bang hindi sya kasama ng mga ito. Naisip nya tuloy na sana hindi na sya inaya ng binata na lumabas kung hindi rin pala sila magkakasama. Miss na miss na nya ang binata kaya agad syang pumayag ng inaya sya nito.Kung alam lang nya na makakasama din nila si Kirsten sana nagmukmuk na lang sya sa kwarto at dun na lang inubos ang oras at hindi na sana sya mas lalong nasasaktan ngayon. Paminsan minsan ay kinakausap naman sya ng mga ito, lalo na ni Dony pero parang wala din sya mood na makipagpkwentuhan pa. Matipid na sagot lamang ang halos isagot sa mga ito.
Muntikan na nyang malunok ang kinakain ng bigla syang tanungin ni Kirsten" Ikaw Sharlene, do you have a boyfriend?" Napatingin sya kay Dony na tila ba nagulat din sa tanong ng nobya.Bahagya nya pa nakitang nagdilim ang anyo ng binata at ito na ang sumagot. "She doesnt have one and she's not allowed either." Gusto sana nya magprotesta sa sinabi nito, at sino naman kaya ang nagsabi dito na hindi sya pwedeng mag boyfriend? Sasagot na sana sya ng mapabaling sa taong papalapit sa lamesa nila.
"Bebe Shar! Nandito ka din? Off duty? Yayain nga sana kita lumabas kaya lang busy yung phone mo kanina." tuloy tuloy na sabi nito.
"Babe! Thank goodness you're here! Tumayo sya at inangkla ang kamay nya sa braso nito.
"Guys! Please meet my boyfriend.. Jairus!"
YOU ARE READING
Girlfriend
RomanceWill loving him secretly be enough for her to be happy or does keeping it to herself means hurting and consuming all the love she can give.