Gabi na pero ginugulo sya ng nangyari kanina. Nakita kaya ni Kirsten ang ginagawa nila? Teka.. ginagawa nila? Wala naman silang ginagawa kanina ah. Totoo kaya ang naiisip nya? May plano ba si Dony na halikan sya? Ipinilig nya ang ulo at sinubukang iwaksi ang iniisip.Bakit naman sya hahalikan ni Dony? Baka may nakita lang itong dumi sa muka nya at dahil sa nararamdaman nya dito ay kung ano ano na ang iniisip nya.Nabibigyan nya lang ng kulay ang mga ginagawa nito ngayon.
"Are you ok? May problema ba?" napalingon sa kaibigan na ngayon lang naalala na kasama nya nga pala ito. Lumabas sya ng kwarto at pinuntahan ito kanina para ayaing maglakad lakad sa labas, para kahit papaano ay mapagod at makatulog na din.
"Nothing, hindi kasi ako makatulog."
"You know that you can tell me right? Si Dony ba?She can't find the right words para magsabi sa kaibigan dahil kahit sya sa sarili nya hindi nya maintindihan. She thought that knowing Dony has a girlfriend will help her to move on and to just forget her feelings towards him.Pero para bang mas lalong lumalalim ang nararamdaman nya dito sa mga kinikilos at pinapakita ng binata sa kanya. Its not that she's putting malice to it pero bakit pakiramdam nya ay hindi normal ang pinapakitang concern at pagaalaga nito sa kanya ngayon. Or she's just giving in with her hopes na posible din syang magustuhan ng binata.
"I saw them earlier. I think Kirsten left. Kung ano man yung pinagawayan nila I think its pretty big, I even saw Dony begging her to stay." dugtong pa nito nag hindi sya sumagot.She's really special. She never saw Dony beg for anything.Kamusta kaya ito ngayon? Okay na kaya ito? Hindi nya mapapatawad ang sarili kung sya pa ang magiging dahilan ng paghihirap nito ngayon. Dapat una pa lang dumistansya na sya dito para hindi na nabigyan pa ng ibang kahulugan ang pagkakaibigan nila.
"Jai did you see him after that? Okay lang kaya sya?"nagaalalang tanong nya dito habang patuloy sila sa paglakad.
"By the look at it, mukang hindi." anito sabay nguso sa kubo sa harap ng kinakatayuan nila.Doon ay nakaupo si Dony sa baitang ng hagdan paakyat sa kubo, nagkalat sa tabi nito ang wala ng laman na mga basyo ng alak.Nakapatong ang ulo nito sa kaliwang braso na nakapatong sa tuhod nito habang ang kanang kamay ay hawak ang telepono at may tinitignan dito. Ng makalapit sya dito ay nakaramdam sya agad ng kirot sa puso nya ng marinig ang mahinang hikbi nito habang hinahaplos nito ang litrato ng nobya sa cellphone nito.Agad itong nagangat ng tingin ng mapansin na hindi na ito nagiisa doon. Dali dali nitong pinunasan ang luha at nagbadyang tatayo para lamang mapaupo ulit marahil dahil sa alak na nainom nito.
"Halika na umuwi na tayo tutulungan ka namin ni Jai." sabi nya dito ng hindi ito tinitignan dahil sa awang nararamdaman nya dito at sa dobleng sakit sa kaalaman na miserable ito ngayon.Ito ang unang beses na nakita nya na ganto ang kaibigan and she hates herself for that.
"I'll stay here. I dont want them to see me like this."mabigat na sagot nito. Tumango lamang sya at sinenyasan si Jairus na tulungan sya alalayan itong tumayo para maiakyat sa kubo.Nang maikyat ito doon at maihiga si Dony ay nagpaalam sya kay Jairus na babalik muna sa bahay para makakuha ng bimpo at pamalit na damit ni Dony pero nagpresinta itong sya na lang.Ng balikan nya si Dony sa kama ay nakaupo ito, nakaunat ang dalawang paa sa kama habang sapo sapo ang ulo.Nilapitan nya ito at naupo sa tabi nito at nagulat na lang sya ng bigla sya nitong yakapin ng mahigpit at muli ay naramdaman nya ang mainit na luhang pumapatak sa mga mata nito.Parang may sariling utak ang mga kamay nya at awtomatiko itong gumanti ng yakap sa binata. Mas naramdaman nya ang paghigpit ng yakap nito at hinyaan na lamang nya mailabas nito ang lahat ng bigat at sakit na nararamdaman. "Please dont leave me."puno ng pakiusap na sabi nito. Kumalas sya sa yakap at bahagyang inilayo ang sarili at tska nya hinawakan ang muka nito gamit ang dalawang kamay.Pinunasan nya ang natitira pang mga luha sa muka nito. "I dont. Never." puno ng sinseridad na sagot nya. Hindi nya alam kung anong nagtulak sa sa binata pero naramdaman nya na lang ang mga labi nito na nakalapat sa mga labi nya.
YOU ARE READING
Girlfriend
RomanceWill loving him secretly be enough for her to be happy or does keeping it to herself means hurting and consuming all the love she can give.