Chapter 2

9 0 0
                                    

"I can't wait for June to come, Guenne! Excited na ako mag high school!" Binigay niya sa akin iyong barbie niya at nilagay sa may barbie house na nasa harapan namin ngayon.

Nandito ako ngayon sa bahay nila dahil wala nanaman iyong parents ko. Tito put an umbrella here  kung saan kami nakaupo para kahit mainit ay makakapaglaro kaming dalawa ni Yanna.

"Sabi nila mahirap na raw kapag high school. Hindi ka ba natatakot?" Inosente kong tanong.

Kumuha ako ng maliit na kaldero at binuduburan iyon ng mga damo. Nagkunwari kaming pagkain iyon at nilagay sa wala naman talagang apoy na lutuan.

Sinara ko ang kaldero at tumingin sa kaniya. "Natatakot pero kaya ko naman siguro. Bakit ka naman matatakot, hindi ba? Kung gusto mo, may paraan talaga."

Natapos na kaming magpa enroll sa ICCT, kung saan nag-aaral doon din pumapasok si Louise at Yanna. Ang masama lang, magkahiwalay ang building namin dahil elementary pa lang ako at si Louise tapos siya sa kabilang building pa!

Nakita ko iyong school at malaki talaga siya! Hindi ko alam kung kakayanin ba pumunta ni Yanna na sabayan ang kapatid sa pagkain pero alam ko na gagawin niya iyon.

Kailangan niyang gawin kasi kapatid niya si Louise. Sasabay na lang ako sa kanila kaysa umuwi tuwing tanghali.

"Ah, basta! Excited na talaga ako! Bagong building so bagong teachers uli!" Ngiti nito at nagpatuloy sa paglalaro.

Hindi na ako nagsalita at nakisabay na lang sa kaniya. Mahigit isang oras na kaming nasa ilalim ng malaking payong na ito nang lumabas ang kapatid niya.

May hawak siyang malaking CD na hindi ko alam ang tawag. Hindi napansin ni Yanna ang kapatid kaya kinuha ko ang atensyon saka tinuro si Louise na may hawak na ring gitara!

Wala naman akong nakita na gitara sa paligid niya! Saan niya nakuha iyon? "Louise! Ginalaw mo nanaman vinyl ni Papa!"

Mabilis niyang dinaluhan ang kapatid at kinuha ang hawak nito. Hindi ko sila marinig kaya nakatingin lang ako kay Louise. Kamukha niya si Tita kaysa kay Yanna na si Papa niya ang kamukha niya.

Hindi mahirap ikaila dahil pareha silang singkit kahit wala naman silang lahing Chinese. Binigay ni Louise ang vinyl na sinasabi at pumasok si Yanna para ibalik iyon.

Ngumiti ako at tinawag siya. "Louise! Halika rito!" aya ko sa kaniya.

Hinihintay ko siyang tumayo pero nakabalik na lahat-lahat ang kapatid niya, hindi siya tumayo sa kinauupuan. Nakatingin lang siya sa akin!

"Oh, nakatitig ka sa kaniya?" Naupo muli si Yanna at bumalik sa ginagawa.

"Alam mo Yanna.." Bulong ko. "Lahat kayo gusto ako pero mukhang si Louise, hindi.."

Natawa naman siya. "Paano mo naman nasabi?"

Umirap ako. "Tinawag ko kaya siya noong pumasok ka! Pero hindi niya ako pinansin!"

Sumulyap siya sa kapatid at ngumiti lalo. "Hindi talaga iyan sasali sa akin, pang-babae 'tong laro natin, Guenne. Imposible na sasali siya sa atin."

Humalakhak siya pero hindi ko ginawa. Grabe naman! Naisip niya ba talaga na inaya ko siya rito para hawakan ang barbie ko at barbie ng kapatid niya?

Gusto ko lang naman siya maupo rito, kahit panoorin kami!

"Hayaan mo na iyang si Louise, mana kay Papa kahit kamukha ni Mama." Humagikgik siya. "Mas gusto niyang tumugtog ng gitara, nakita mo iyong hawak niya kanina?"

Tumango ako. "Vinyl iyon," aniya.

"Hindi ko alam kung ano 'un kaya.." Umiling ako. "Hindi ko gets."

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now