Chapter 26

2 0 0
                                    

Ruru was the one who went into the gate para pagbuksan siya. Shaina was smiling wider for some reasons. Habang ako ay hindi mapakali na nakatingin sa paligid niya.

Kahit anong kagustuhan ko na magsaya dahil binibisita niya ata kami, hindi ko magawa.

Lalo na kung nandito ang thought na asawa niya ang minsan kong naging kaibigan.

Is Yanna here? Is Yanna with him? Kasama niya kaya ang asawa niya? Kasi kung oo, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Nagsisimula pa lang kami ni Louise, hindi ko pa kaya... hindi ko pa kaya na mawala lahat nang mga sinakripisyo ko kahit para lang sa sandaling panahon.

"Guenne?" Doon ko lang napagtanto na nakatingin pa rin ako sa labas kahit na nasa harapan ko na pala siya.

Napatalon ako sa pagtawag pero agad siyang hinagkan at binati. "Tulala ka ata?" natatawa nitong sambit nang humiwalay.

He's just wearing a cargo shorts and his usual white shirt. Naka-cap siya na puti at may dala siyang malaking paperbag.

"Naku, stress lang din iyan!" si Shaina iyon. Hindi ko pinatulan ang punchline ng kaibigan at mas tumingin sa paligid.

Siya lang ang nandito... wala si Yanna. Kalma na self... wala si Yanna rito.. may panahon ka pa..

"I see.. That's why I came here to send you some foods!" Nilapag niya iyon sa table namin and wander his eyes around.

"Bakit parang lumiit ang bahay niyo?" usisa niya.

"Ganiyan talaga kapag nasanay ka na sa malaking bahay," tinapik ni Ruru ang balikat ni Kuya Echo at natawa.

"Kaya nga! Hindi ko alam kung saan kayo lumipat pero panigurado, mas malaki pa diyan sa bahay niyo!" singhal ni Shaina.

God. Siya lang ang nandito pero bakit hindi pa rin ako mapalagay? Nakakatakot. Paano kung nasa paligid lang si Yanna? Paano kung..

Nababanggit kaya niya sa asawa ang tungkol sa amin? Sinabi niya kaya kami noong nagpunta siya rito pero hindi ako dumalo dahil anniversary nila Louise?

Kung oo... baka kailangan ko nang iiwas ang sarili ko sa kaniya.

Sa sobrang liit ng mundo, mahal ko siya bilang nakakatandang kapatid but I'm more afraid on losing Louise just because of him.. baka isang araw, dala niya si Yanna at makita ako.

Kahit anong pasasalamat ko na hindi niya kami nakita noong kasal, bawat araw, takot ang unang nagpapabangon sa akin.

Dahil sila lang naman ang nag-uusap, Kuya Echo asked me to bring out the foods he brought to us.

Kumalam ang sikmura ko sa nakita. Is this homemade or he ordered just for us? Hindi ko alam kung nagluluto si Yanna o baka siya ang gumawa nito.

Nilagay ko sa mga plato ang pagkain, hindi iyon karamihan, ang nagpalaki sa paperbag ay iyong folder na mukhang sa kaniya iyon.

"Tamang-tama, hindi pa kami kumakain!" Si Shaina nang tingnan ang mga binili niya. "Sobra na 'to, kuya, ah? Hindi pa nga kami nakakamove on sa painom mo noon?"

Naupo ako sa tabi niya at nagsimula nang kumain. Naisilid ko na ang resumé naming tatlo dahil baka matapunan.

"Pero bakit ka nga naparito?" Si Ruru. I glanced on him and somehow, I nod my head.

Kung balak niya lang magbigay, he should've ask someone to do it. Hindi na niya kami priority dahil may sarili na siyang family. Kung tutuusin, hindi na dapat niya kami binibigyan ng mga ganito.

"Trip mo lang magpadala ng mga pagkain?" pang-aasar ni Ruru uli sa kaniya.

Umirap si Kuya sabay sapak sa balikat ng kaibigan. Sa sobrang paranoid ko kanina na baka.. kasama niya si Yanna.. hindi ko naisip na after months of his wedding, ngayon ko lang siya uli nakita.

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now