Final Chapter

33 0 0
                                    

"May lilipat na bago diyan sa tapat, mabuti nga may nagka-interes."

Nagkatinginan kaming dalawa ng kapatid sa naririnig. Kasaluluyan kaming nasa hapag at kumakain ng pang hapunan. Nag-uusap ang magulang naming dalawa habang tahimik lang kami na kumakain.

"Talaga? Nakausap ko si Norman noong nakaraan, bumaba renta kaya siguro kay nagkagusto."

"E 'di maganda! Pamilya raw e! May isang anak at mukhang babae pa ata!" Napatingin silang dalawa sa kapatid ko at ngumiti. "Mukhang may makakalaro na si Yanna!"

Suminghap ako dahil doon, "Sana lalaki na lang.."

Natahimik ang hapag. "Louise, anak, puwede mo naman kalaruin kung maari. O kaya malay mo katulad mo siya na mahilig din sa music! E 'di masaya iyon!"

"Kaya nga. Hindi bale, kapag dumating na sila, dapat maging kalaro niyo para hindi lang kayo ang nagkikita araw-araw." Hindi ako sumagot. "Bukas may bibilhin akong CD, maganda at mura lang. Siguradong magugustuhan mo iyon, Rafael."

Tumango na lang ako sabay ngiti. "Salamat po.."

Totoo ang sinasabi nila. Nagsimula ang pagkagusto ko sa musika noong hindi pa ako nakakaisip ng matino. Kumbaga laruan lang pero malay ba nila na magpapatuloy iyon hanggang ngayon?

Pero ang totoo, base sa kuwento ng sarili kong ina ay baka dahil sa ginagawa niya noong pinagbubuntis niya ako. Ayon sa aking ama, may isang tugtog daw na pinarinig sa akin habang nasa loob niya ako at pinapaniwalaan nila na iyon ang dahilan sa kinasadlakan ko ngayon.

Wala naman akong pagsisisi dahil na-e-enjoy ko ang pagtugtog at makinig sa mga collection ni Papa. Meron kaming kuwarto na talagang para lang sa mga gamit niya na pang musika.

At dahil bakasyon, lagi lang ako roon kasi wala naman akong kalaro. Hindi ko naman mapilit ang kapatid kong si Yanna dahil siya na mismo nagsabi na wala siyang hilig sa mga ganito.

Minsan, nakakainis kapag walang kasama sa mga ganito. Kaya nangako ako na kapag dumami ang kaibigan ko, kapag nasa high school na ako, mas pag-iigihan ko ang pagmumusika ko.

"Itapon mo nga 'to Louise sa labas," kasalukuyan kong binabasa ang isang CD nang lumapit si Yanna sa akin. Ayoko siyang tawaging ate dahil nakakainis lang. Hindi ko nga alam kung kapatid turing niya sa akin.

Alam ko na kaagad na magsusumbong siya kapag hindi ko iyon ginawa kaya kinuha ko na lang. Hinablot ko kasabay ng paglabas ng bahay.

Tinapon ko lang iyon sa tapat, tutal may basurahan naman doon saka napatitig sa tapat. Tama lang si Mama dahil finally, may tao na sa tapat.

Dumating sila kaninang umaga at babae nga ang anak nila. Nawala na ako ng interes kaya hindi ko na binalak na puntahan sa tapat o kumustahin man lang.

Babalik na sana ko nang may makita akong papalapit sa akin. Ipis! Napasigaw ako kaagad sabay pasok sa loob. Halos habulin ko ang hininga dahil doon!

Ugh! Mukhang may nakakita sa akin dahil ramdam ko sa bintana ng katapat ay may nakatitig sa akin. Sana hindi niya iyon napansin.

Si Yanna lang ang nakakausap at nakakalaro ni Avrienne, iyong anak ng bagong kapitbahay namin. Hindi ko na binabalak na sumali sa kanila dahil hindi naman ako babae para maglaro ng mga barbie.

"Anong tinitingnan mo diyan?" Napaalis ako ng tingin sa labas ng bintana dahil sa nagsalita. Si Mama lang pala at may hawak siyang mug na mukhang kape ang laman.

"Nandiyan na si Guenne, ha? Bakit hindi ka pa sumali sa kanila?"

Umalis ako sa upuan namin at inayos ang sarili, "Sa music room lang po ako,"

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now