Chapter 23

2 0 0
                                    

Louise Rafael Vaflor
Good morning! I won't see you today since it's Khloe's graduation ngayon. But take your breakfast today, okay? May practice kayo? When will I see you? I miss you already. Kita tayo after, ha?

Halos yakapin ko si Avis hanggang sa mapitpit siya. Nakangiti ako habang binabasa ang text sa akin ni Louise. Ang aga niyang sinend iyon dahil tulog pa kaming tatlo sa oras na iyon.

Ako na lang ang nasa kuwarto dahil nasa labas ang dalawa. Nagluluto ata. Meron silang gagawin at susunduin nila iyong parents nila dahil the next next day ay graduation na namin.

I've been feeling anxious kasi dati... iniisip ko kung ano bang pakiramdam ng magtatapos ka sa pag-aaral? Tapos biglang, tapos na ako. Hinihintay ko na lang ang araw na iyon at finally, matutupad ko na ang mga pangarap ko. Mga pangarap ng magulang ko.

"Guenne, kain na." Bumukas ang pintuan at si Shaina iyon. Ngumiti siya sabay aya sa akin.

"Sige.. Saglit lang.." Sabi ko at mabilis na nagtipa ng reply kay Louise. Hindi naman na niya ako kinukulit dahil alam niya na hindi pa ako gising ng ganoong oras.

Matapos magreply, agad akong tumayo sabay tingin sa sarili. Hindi ko pa man nakikita ang sarili, may umakyat na kung ano nang tumayo ako sa likuran ng pintuan.

I gulped hard as I removed the one I'm thinking. Ilang araw ko nang pinipilit sa sarili na baka.. guni-guni ko lang iyong mga narinig ko.

Kasi matapos naman iyon, balik Shaina at Ruru sila sa akin. Na para bang wala silang pinag-usapan na tungkol sa akin.

I know I should confront them but mind kept saying no. Huwag muna. Iyon ang sabi ng utak at puso ko.

Maybe because I want happiness first before anything else. At dahil na rin sa sinabi nila na gusto nila akong masaya kahit saglit lang.

"Nasaan na garod sila?" tanong ko sabay kain. Bukas ang TV at nanonood si Ruru roon.

Tanaw ko rito ang susuotin naming tatlo na nakasabit sa pader ng bahay. Hindi ko mapigilan na mapangiti sa nakikita.

Malapit na talaga... dalawang tulog na lang at dadating na ang araw na inaasam-asam naming tatlo. "On the way pa rin daw. Pero baka mamayang noon ay nandito na sila." si Shaina.

"Sa'yo, Ru?" tanong ko naman. Nawalay ang tingin sa TV at mukhang wala talaga sa amin ang atensyon.

"Huh? Ano uli?" walang ideya niyang sabi sa amin.

Napairap naman ako at natawa lang ang kaharap. "Nasaan na sila Tita? On the way?"

Tumango siya. "Yeah. Susunduin ko na kaagad. Maaga akong aalis."

"Ako rin.." Shaina agreed too.

"Maghihintay kayo sa terminal?" usisa ko. Okay lang naman iyon pero kung sinasabi nila na on the way, hindi ba sila mababaliw sa terminal?

"Oo.. Wala naman kaming choice.." humalakhak ang kaibigan.

"Sama ako?" sabi ko kahit na may gagawin naman ako. Puwede naman na mamayang hapon ko na gawin iyong balak ko. Makakapaghintay naman sila.

Pinanliitan nila ako ng tingin. "Bibisitahin mo sila Tito at Tita, hindi ba?" Tumango ako sa kaibigan. "Okay lang, at baka puntahan ka ni Louise? Graduation na nila Khloe ngayon.."

"Talaga? Hindi sila sabay?" finally, nagkaroon na ng gusto si Ruru kapag ang banda ang pinag-uusapan.

"Yeah. Tinext sa akin ni Louise kanina.. Sa makalawa naman iyong sa kanilang banda.."

Natapos ang breakfast na hindi kami magsasabay-sabay sa buong araw. Okay lang naman iyon dahil ilang araw na kaming magkakasama sa practice.

Ayaw ko man sabihin pero minsan nakakasawa rin kung mukha namin ang lagi naming nakikita.

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now