Chapter 5

7 0 0
                                    

Dumating na rin ang araw ng unang araw ko roon sa ICCT. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko. Masaya dahil at least meron akong kasama, lalo na't baka may pagkakataon na maging magkaklase kaming dalawa ni Louise. Kabado rin ako dahil bagong paligid na naman ang kahaharapin ko.

Usual na ginagawa ko ay magising nang maaga. Kahapon, hindi ako nagpunta kila Louise at Yanna dahil sumama ako kay Mama sa trabaho niya.

Okay lang naman dahil wala rin daw sila kahapon dahil may pinuntahan. Hindi ko alam kung ano kaya hindi ko na lang binalak na tanungin pa.

At saka, nakita ko iyong trabaho ni Mama. Mas maganda pa sa mga dating trabaho niya kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

Sinama ako sa trabaho dahil gusto niya na kapag natapos na siya sa work niya, deretso na kaming bumili ng mga gamit ko. May mga kaunting gamit naman na ako, pero kailangan dagdagan.

Magpapa-iwan pa sana ako kaso sinabihan ako na gastos ang pamasahe umuwi para sunduin ako at pamasahe uli papunta tapos pauwi. Pumayag na lang ako.

Ngayon, naghahanda na ako. Nakasulyap ako sa labas, hindi pa bukas ang pintuan nila. Gising na rin kaya sila? Maaga pa kaya baka siguro hindi pa sila gising. O baka gising na sila.

"Hon," naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Papa. Kumakain na kami ng breakfast, tapos na rin ako maligo. Magtotoothbrush na lang at puwede na ako umalis.

"Anong oras dapat makapunta si Guenne?"

Sumulyap si Mama sa orasan doon sa pader namin. "Seven siguro. O seven thirty," sagot niya.

Umiling si Papa. "Ano garod gagawin? Maaga dapat tayo papasok, hindi ba? Paano siya?"

Huh? Ano raw? "Hindi ko rin alam.. Baka puwede namang gawin na dahilan ang anak natin, hon."

"Bakit? Ano po ba 'yon?" Tanong ko. Hindi ko sila maintindihan kaya wala akong makuha-kuha.

Sabay silang tumingin sa akin at ngumiti. "Kaya mo bang pumunta na lang by yourself, hija?"

"Po?"

"Kailangan namin maaga pumasok, anak. Kung sana.. kaya mo ba?" Si Mama at sumubo sa pagkain niya.

Nagtatalo ba sila kung paano ako ihahatid sa school? Naintindihan ko naman sila kaagad, lalo na't alam ko na iyong work ni Mama. Sobrang strict sa kanila, kaya pala malaki ang suweldo. Kailangan lang tiisin iyong sobrang istrikto ng ginagawa para kumita ng malaki.

"Kaya ko naman po. Sasabay na lang po ako kila Yanna.. Naiintindihan ko naman po." Hindi ko naman nakikita na may gamit na kotse si Tito o Tita sa kanila, baka magcocommute lang sila.

"Sigurado ka ba, Guenne?" Parang alinlangan na sabi ni Mama. "Hindi ba nakakaabala sa kanila?"

Umiling naman ako kaagad. "Mabait naman po sila, kung hindi, baka hindi po nila ako inuwi noong pumunta kami ng perya. Hindi pa ba sapat na umuuwi akong buo kapag galing ako sa kanila?" Nakangiti kong tugon.

Nagkatinginan lang sila at malayang tumawa. Tama lang naman ang sinabi ko. Mabait naman talaga silang lahat.

Pagkatapos kumain, ginawa ko na ang kailangan kong gawin. Kinuha ko ang bag sa taas at sinara iyon.

"Heto lunch mo," sabi ni Mama. Nilagay niya iyon sa likuran ko at inayos ang buhok ko. "Ang bilis mong lumaki, Guenne." Pinatong niya ang kamay sa pisngi ko.

Nangingiti naman ako. "Ganoon naman po talaga, e." Humalakhak ako. "Sige po, punta na tayo. Puntahan ko na lang sila Louise."

Tumango siya at sinara ang buong bahay. Hinintay ko siya sa labas. "Magkano gusto mong baon, anak?" Tanong niya nang masara ang gate namin.

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now