Chapter 10

4 0 0
                                    

Two days before the wedding, nag-aya na kaagad si Shaina na bumili na kami ng susuotin para sa wedding. Actually, dumalaw sa amin si Kuya minsan tapos sinabihan niya kami na puwedeng huwag na kami gumastos para sa susuotin naman.

He said na we can just wear a plain shirt na kakulay ng motif ng kasal para hindi kami ma-out of place. Shaina even asked why we didn't get invited to fitting! Sira ulo, mukha bang family kami talaga nilang dalawa na ikakasal?

Kuya becane awkward because of that. Sinabihan ko na lang si Shaina na hindi naman talaga kami super family para masali, although we are all family here pero ibang usapan naman na iyong blood related talaga.

Kuya Echo immediately went back to himself after ko mag-explai. Shaina apologized but said na we'll still go with the theme. Gusto namin na magshirt at jeans but that's not formal!

We all should be formal! Kaya susundin namin iyong dapat namin suotin. Hindi namin sinabi kay Kuya iyon at sinabi lang na basta aattend kami. We thanked him for visiting us kahit sobrang busy na niya.

Ngayon, hinihintay ko na lang si Shaina na lumabas ng kuwarto. Ako lang at siya ang nasa bahay, Ruru was pesky about their org kaya nagpunta uli siyang school.

Ang alam ko, may susuotin na iyon. Pinadala ni Tita noong binalita niya na may aattend-an siyang kasal. Hindi naman kailangan na pati suit niya ay kakulay ng motif, black or white will do!

Nilalaro ko lang ang invitation ng kasal sa itaas ng lamesa. This is not ours, sa kay Ruru ito. Dapat isang invitation na lang pala binigay sa amin tutal nasa iisang bahay naman kami but he's being generous kaya hinayaan ko na lang.

Unlike from mine, bukas na ang invitation nilang dalawa. I have no idea why I don't still open it when I could naman, basta ayoko. Baka sa kasal na. There's a part of my heart na saying that I should get surprise.

As always, my heart gets what it wants.

Finally, lumabas na si Shaina sa kuwarto. May airpod sa left ear niya at sa kabila wala. Hindi ko na pinansin at inaya na siya sa labas. Marami ng tao sa palengke dahil doon namin balak unang pumunta.

Uso pa rin naman ang ukay-ukay kaya hahanap kami ng suwerte na makahanap ng dress na kagaya sa motif. Agad kaming sumakay ng tricycle at nagbayad pagkababa sa tricycle.

Tama lang ako ng hula, marami ng tao sa palengke pagkababa namin. Hindi ko napigilan hatawin si Shaina sa sobrang tagal. Alam niya naman na baka ito lang ang araw na makakapili kami ng susuotin, tinagalan niya pa.

Unang punta namin ay sa mga hile-hilerang nagtitinda ng mga damit. Maraming nagtitinda, susuyuin namin lahat hanggang makahanap kami ng bagay sa amin.

Wala kasi kaming dress na kagaya sa motif ng kasal. May damit nga pero kasal iyon, dapat formal. Kagaya ng sabi ni Kuya Echo, kailangan namin sundin ang kulay para hindi pangit tingnan. Ayaw naman namin na maging cause of kapangitan sa kasal.

Wala kaming nahanap sa mga hile-hilera kaya nagpunta na kami sa loob ng palengke. Doon ay umusbong ang pag-asa namin na makapili. Kapag wala, wala kaming choice kundi lumipat sa mall at maghanap ng abot-kaya.

"Kay Ruru sana, o!" May inangat si Shaina na suit mula sa bundok ng mga damit.

Kulay blue iyon na suit na mukhang maganda ang tela. "Sira. Alam mong meron na siya,"

"Napadala na ba ni Tita?"

Nagkibit-balikat ako. "Siguro. Pero huwag na. Sayang pera 'nun."

Tumango na lang siya at bumalik sa ginagawa. Hindi ko na mabilang kung ilang store na ba ang napasukan namin pero wala talaga kaming napala.

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now