Chapter 38

13 0 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang timba na ang naluha ko.

Hindi ko na rin alam kung saan tutungo.

Matapos hilahin ni Tito si Yanna paalis sa posisyon naming dalawa, parang pati lakas ko sa gabing iyo at hinugot niya palayo sa akin

Hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko pa rin ang poot at galit sa boses niya. Kung paano niya ibato iyon sa akin.

Naiintindihan ko naman, e. Siya ang dahilan kung bakit nahilig si Louise sa musika. Kung bakit pinangarap ni Louise na magkaroon ng banda.

Pero hindi naman siguro kailangan na sabihin niyang nakakadiri ako.. Na nakakahiya ako.. Marami namang mga paraan para kausapin ako sa ginawa noon.. kailangan talaga lalong saktan ang puso ko?

"P-please.. Answer it, Ru.." I beg in the streers. I don't know where I am, nasa labas na ako ng gig at ayoko nang bumalik doon dahil sa takot na baka makita niya pa ako uli.

Sumulyap ako sa daan, may mga dumadaan pa at alam ko na nakikita nila ako. Na nakikita nilang may isang babaeng umiiyak dahil bigla siyang sinampal ng katotohan.

Na may isang babae na akala niya hindi na maiikot ang mundo kasi baka okay na.. tapos hindi pa pala.

Halos murahin ko ang sumagot sa call dahil ayaw sagutin ni isa sa mga kaibigan ko. Sumulyap ako sa likuran at nakita na patuloy pa rin ang event sa loob.

Gusto kong bumalik.

Gusto ko pang panoorin si Louise.

Gusto ko pang samahan ang banda sa pagbabalik nila kahit na alam kong may problema pa.

May problema pa kay Rey... tapos biglang problema naman kay Louise.

Am I a jinx to the band? To everyone?

Sinubukan ko uli. Kung ayaw na ng puso ko na bumalik sa loob, uuwi na lang ako. Ayokong masira ang gabing ito, natatakot ako na makita uli ni Tito at mas lalo siyang umapoy sa galit.

Kung mangyari iyon, hindi lang ako ang masisira sa lahat. Masisira na naman ang banda.

"Kahit saglit lang.." Alam kong mali ang ginagawa ko dahil nasa date pa rin silang dalawa pero hindi ko na kasi kaya..

Bawat tingin ko sa labas, nasasakal ako. Bawat alala ko sa mga sinabi niya sa akin, mas gusto ko na lang lumayo.

Leaving was the only choice for me, but I will never leave Louise behind. If his father could still recall me, there's a way on earth that he might recall me. Anytime.

"Hello? Guenne? Pinapakaba mo ako.." Malalim na sagot ni Ruru sa kabilang linya.

Halos mapatalon ako sa narinig. Pinigilan ko ang luha sa mata at sinabi ang pakay. Tama ako sa hula, nasa date pa rin siya pero nang sabihin ko ang dahilan sa pagtawag ko, mabilis niyang pinatay ang tawag.

Niyakap ko ang parehong binti at nagpatuloy sa pag-iyak. Nakikita ko naman na mangyayari 'to, e.. Hindi malabo na mababalik na naman ang nakaraan sa amin pero... tangina lang.. ang sakit lang talaga kapag sinabihan ka ng sumira ka ng buhay. Ng pangarap. Ng lahat.

Si Yanna... Hindi niya talaga alam.. Kung alam niya, dapat nakuha niya na nang makita na nagpupuyos sa galit ang ama niya sa akin. Panigurado sa oras na 'to, alam niya na kung sino ako.

Mas natatakot ako sa oras na malaman ni Louise ang lahat. Kung ang tatay niya ay halos sakalin ako sa galit dahil sa ginawa ko, paano pa kaya siya mismo?

I'm afraid that he might unlove me..

I'm terrified that he'll leave me...

I'm much more scared of losing him.

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now