Chapter 35

7 0 0
                                    

Louise was the one who packed clothes for me. Thank God wala ang dalawa nang pumunta kami sa bahay para kahit papaano ay kumuha ng damit. I still have a lot of things to think, hindi ko na kaya kung makikita pa ng dalawa kung bakit ako kumukuha ng mga damit.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makamove on sa nangyari. Lousie just told me, mentioned my name to his sister and asked for a favor. Alam ko na dapat magpasalamat na lang ako dahil for sure, mapapadali ang pag-approve sa sudden leave ko pero...

Paano ako patatahimikin ng kaluluwa ko kung... binanggit niya ang pangalan ko kay Yanna. Does she even know that I'm her brother's girlfriend already? Alam na kaya niya na after all these years, dumating ako na parang wala lang?

Hindi naman ako dumating na wala lang... Kung alam lang ni Sean kung gaano ako pinapatay ng thoughts ko noong nakita ko siya uli.. baka roon maiintindihan nila na hindi ko inakala na mapupunta uli ako sa lugar kung nasaan sila.

Pero ano pang magagawa ko? Nandito na. Nasabi na niya. Nangyari na. At ang nakakapagtaka, walang kung ano si Louise nang matapos ang banda.

Dalawa lang ang posibleng dahilan kung bakit nangyari na okay lang iyon. Baka hindi na talaga nila ako maalala o sadyang nagkukunwari lang silang hindi nila ako naaalala.

"Louise.." Nasa airport na kami at papasok na. Tinawag ko siya nang tumigil kami.

Gusto kong itanong kung anong reaksyon ni Yanna nang banggitin niya ako. Sumulyap siya sa akin at ngumiti. Bakas sa mata ang saya dahil nahanap na si Rey pero namumutangi ang pagod doon.

Agad binawi ng dila ko ang balak sabihin. Ayoko nang dagdagan pa ang pagod sa sistema niya, lahat kami ay pagod na at dapat hindi na dinadagdagan pa.

Kaysa ituloy ang binabalak, kumapit na lang ako sa braso niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano namin sasalubungin o bubulagain si Rey sa isla na iyon.. Ang daming tanong pero pagod na para isipin pa.

"Inaantok na ako.." I really meant what I said. Pakiramdam ko kasi, nakakapikit ako ko, nakakatulog ako ngunit gising naman ang buong kaisipan ko. E 'di wala rin.

Baka iyon ang dahilan kung bakit pakiramdam ko antok na antok pa rin ako kahit na kumpleto ang tulog.

Iniba niya ang hawak ng maleta, nandoon na kasi ang damit naming dalawa. Hindi naman magtatagal sa isla, for emergency purposes lang dahil mapabalik si Rey ang goal ng lahat.

Nauuna na sa pila ang iba. Si Sean ay namataan kong natutulog habang nakakatayo. Nakakaawa. Kailangan bangasan si Rey sa gulong nagawa niya.

"Saglit na lang... Matutulog tayo buong byahe para may lakas tayo, okay?" Hinalikan niya ako sa noo. "Pagod na rin ako pero hindi ako mapapagod gustuhin ka..."

Walang epekto ang sinabi niya dahil antok na antok na talaga ako. Pagkaupo ko sa eroplano, deretso puwesto na ako sa balikat ni Louise.

May neck pillow ako kaya naging komportable ang lahat. Hindi na pinakinggan ang sinasabi ng piloto at hinayaang makatulog ang buong kaisipan.

***

Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat maramdaman ngayong papunta na kami kung saan nagsstay si Rey. Kung dati ay marami na akong naiisip na puwedeng gawin sa kaniya, ngayon, bigla na lang nawala.

Nasa iisang van kaming lahat dahil ako, ang apat sa banda, at sina Kuya Rem at John lang ang nagpunta para rito. Ngunit sinabihan na ni Kuya Rem ang lahat na confirmed na nandito si Rey kaya okay na.

Nakatingin lang ako sa labas, dinadama ang ganda ng islang ito. "Wis.." tawag ko sa katabi. Kausap niya si John at agad napatigil dahil sa akin. "Nasaan na nga uli tayo?"

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now