Chapter 9

6 0 0
                                    

When I opened my eyes, a dark room is all I can feel. Wala akong makita pero ramdam ko na nasa isa akong kahon na madilim. Malamig. Masakit sa puso. Hindi ko mapigilan ang mga luha na bumagsak sa mga mata ko.

I tried opening my mouth, I tried to talk, to scream, to make any noise so this area will light up. But there's no response. Wala akong masabi. I can't even see where my body is placed with, I can't even look at my own body.

Pinikit ko ang mga mata at umasa na sana sa pagmulat nito, mababalik na ako sa realidad. Ayoko na rito. Hindi ako mamamatay sa aksidente kundi dito sa bangungot na 'to. Ayoko na. Sumusuko na ako.

Pagmulat ng aking mga mata, gumapang ang saya ko nang may ilaw na akong namataan. Pero agad din binawi ng puso ko ang nararamdaman nang makita ko na may tao roon.

"L-louise?" Garagal kong banggit nang mamukhaan ko kung sino ang nakaupo sa gawi na iyon. Nakaputi lang siya, nakayuko at ang ilaw ay nakatutok sa kaniya.

Sinubukan kong iangat ang binti ko, nagawa ko. Kinuha ang pagkakataon para maglakad palapit sa kaniya. Hindi tumitigil ang mga luha pero gumagapang naman ang sakit. Sa kamay ko.

Bawat hakbang na aking ginagawa ay siyang paglakas ng sakit sa kamay ko. Sa mga daliri ko. Hindi ko pa nakakalahati ang daan palapit sa kaniya, napaupo na ako sa sakit.

Sigaw ako nang sigaw. Naninilipit sa sakit, pinapanood niya lang ako, hindi siya gumagalaw. Patuloy ako sa pagdaing ng sakit ng mga daliri hanggang mawala siya sa puwesto niya kasabay ng pagyugyog ng sinuman sa akin.

Basang-basa ang mukha ko nang inangat ko ang sarili mula sa pagkakahiga sa lamesa. Nasa tabi ko ang dalawa, bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha.

"Guenne.... Binabangungot ka.." Lumuhod si Shaina sa tabi ko sabay punas sa mukha ko. Umalis si Ruru saglit at pagbalik niya ay dala na niya ang gamot ko.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya, binigyan ako ni Ruru ng tubig at agaran ko rin namang ininom iyon. "Iniwan lang kita saglit, nakatulog ka na kaagad at dinalaw ka nanaman." Bulong nito sa akin.

Napacheck ako sa paligid, gabi na, nasa harapan ko na ang pagkain namin. Nakatulog ako? Bigla?

Umalis si Shaina sa tabi ko at hinalikan lang ang aking buhok. Hinila ni Ruru ang upuan at hinawakan ang kamay ko. "Anong nangyari?"

Hindi ko na maalala. I can't recall even the few parts of it, kung anong nangyari, pero iyong sakit? Nandito pa rin. "Usual," mahina kong sabi.

"Napapadalas na 'yan, ah? Punta na kaya tayo sa hospital?" Bakas na bakas ang pag-aalala niya sa kaniyang tono.

Mariin naman akong umiling. "Nagigising pa naman ako, kapag sobrang kailangan na lang."

"Are you sure?" Tanong niya pa uli.

"Siguro dahil sa pagod lang ito, Ru. Salamat." Ayaw niyang bilhin ang mga sinasabi ko, clueless siya sa buhay ko pero hinayaan niya na lang ako.

Inabutan niya ako ng damit pamalit, pagkalabas ko sa CR ay hinihintay na nila ako sa table. Tahimik lang akong naupo at nagsimula na kumain.

Nag-uusap sila sa nangyari kanina. Tungkol sa sinabi ni Prof. Nadal sa amin. Hanggang ngayon ay bakas sa boses nila ang pagkadismaya sa narinig. Maski rin naman ako.

Dala-dalawa ang nararamdaman ko. Dismaya at takot. Dismaya dahil matagal na naming sinasabi sa kaniya na last year naman na, sa UW na sana kami pero hindi nangyari. Takot dahil ICCT talaga ang pinakatatakutan ko.

Ayoko ngang madaanan ang way ng ICCT, papasok pa kaya kami sa loob?

Matapos ang insidenteng iyon, hindi na ako nakapasok sa eskwelahan na iyon. Masyado pa kasing masakit ang sugat, walang kasiguraduhan kung hihilom pa ba ito.

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now