Chapter 16

4 0 0
                                    

December 24, Christmas Eve, pagkatapos kong bumili ng ingredients para sa spaghetti na lulutuin ko, dumaan muna ako sa sementeryo para bisitahin ang parents ko. I was just there, staring at their stones and greeting them 'Merry Christmas'.

I don't know what's with me but I didn't cry while reading their death date many times. Hindi rin ako nagtagal dahil sobrang mag gagabi na, at nakakatakot kapag sobrang dilim na rito. Magluluto pa ako.

I made myself busy by cooking spaghetti na iyon lang ang handa ko para sa ngayon. I don't mind it, though. Ako lang naman ang kakain dahil ako lang naman ang nandito sa bahay.

While waiting for the sauce to be done, I saw thay there's one message from Ruru and Sean. Nagulat ako sa kay Sean pero binuksan ko muna iyong kay Ruru.

He sent us their handa and ang dami nga niyang luto. Shaina didn't see it yet kaya nagtipa na ako nh reply. Kahit hindi niya makita, I still said na bring me home some of their handa. I'm just joking around, mukhang masarap naman kasi talaga.

Sumunod naman ay kay Sean. He sent me group picture of them four. They are just right na hindi kasama iyong Rajih because apat lang sila. Lima sila, e.

I dictate their names and the one with almost-long hair is I didn't know. Hindi ko talaga alam ang pangalan kaya itatanong ko na lang kay Shaina.

Before closing the phone, I said 'good luck' to them kasi baka nasa hiking na sila. Kanina pa niyang six iyon sinend, e.

When the clock strikes at twelve o'clock, tahimik lang akong kumakain. Pero natigil iyon dahil may kumakatok sa labas!

Imposibleng sila Sean na naman iyon and hindi ko sana papansinin dahil baka mga bata lang na walang magawa kakahintay ng pagkain pero mukhang may nagtatawag talaga sa akin.

Hindi pa New Year pero maingay na sa labas. At nang labasin ko kung sino ang kumakatok, halos tumalon ang puso ko sa tuwa dahil isa roon ay kasambahay nila Kuya Echo! May dalang pagkain!

"Wow. Nag-abala pa po kayo." Sabi ko sabay kuha sa mga binigay nila. Isa ay galing sa katapat namin, siguro nalaman nila na ako lang mag-isa at walang handa?

Nakakalusaw naman ng puso. "Utos ni Sir Jericho, Guenne! Enjoy ka, ah?" Aniya sabay alis. Paulit-ulit akong nagpasalamat hanggang makabalik na ako sa loob.

Wala nang nangyaring iba bukod sa nakalahati ko iyong mga pagkain na binigay nila. Hindi ko rin naubos ang spaghetti na niluto ko kaya mamayang umaga ko na lang kakainin.

Sa mga sumunod na araw, nag-uusap lang kami nila Ruru at Shaina habang gumagawa ng mga projects namin. Siyempre, hindi mawawala ang reklamo nila sa mga nakuha nilang gifts!

Mabuti nga sila may gifts na nakuha, e! Kung may Year End celebration sa school, may gift din sana akong nakuha!

"Sino ba naman matinong tao magreregalo ng underwears!" Reklamo ni Ruru sa aming dalawa.

"Sira! Praktikal lang naman, ah? Magtaka ka kung semento iregalo sa'yo!" Hindi ko batid kung anong nirereklamo niya e underwear for men naman ang regalo sa kaniya!

Magagamit naman niya iyon!

Hindi kumupas ang ganoong routine habang malayo sila. Dalawang araw bago ang New Year, lumabas ako para kahit papaano ay hindi ako mabaliw na nasa bahay lang.

May pera pa naman ako pero iniipon ko iyon sa graduation namin. Kahit na scholar kaming tatlo, baka may biglang babayaran kaya nagtatabi kaming tatlo kung sakali lang.

Nasa mall ako at maraming tao, sa grocery lang, ay tahimik lang akong naglalakad, tumitingin sa paligid. Papasok na sana ako sa isang bookstore nang may makita akong pamilyar na mga mukha!

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now