Chapter 11

2 0 0
                                    

Nabili na namin lahat ng gagamitin namin pero hindi pa rin tapos tumitig si Ruru sa akin! I almost stab his eyes using needle kasi hindi na talaga siya tumigil! Ano ba kasing meron sa Sean na iyon at parang big deal kapag nalaman ni Shaina?

Wala naman akong alam na kaibigan ni Shaina na Sean kaya bakit? Sikat ba iyon? Ex ni Shaina? But her ex doesn't even starts with letter S!

Mabuti ay tumigil na siya sa paninitig nang makarating kami sa bahay. Ruru cooked first and kami namang dalawa ni Shaina ay nagsketch kung ano ang gagawin namin.

Shaina has the most impressive sketch than mine, I just did it simple kasi isang araw lang naman gagamitin iyon! At saka limited lang ang nabili namin, wala na dapat train ang dress! Dress nga lang, e!

Nagpalit muna kami bago kumain. Habang nasa hapag ay nag-uusap kami sa nangyari kay Ruru. Akala namin okay na pero bakit pa rin siya tinawag para ayusin? Follow up lang daw at baka bukay ay hindi na niya kailangan umalis.

"Nasaan na iyong suit mo?" Tanong ni Shaina nang wala na balak magsalita.

Nagpatulog ako sa pagkain sabay sulyap kay Ruru. "Kukunin ko bukas. Nandoon na raw sa courier." Sagot niya.

"May nakita si Shaina kahapon, bibilhin niya sana pero sabi ko meron ka naman na." Komento ko sabay tawa.

Inirapan lang ako ni Shaina habang si Ruru ay nagtaas lang ng kilay. "Suits are expensive in malls."

"Hindi naman sa mall. Sa ukay-ukay! Maganda sana kaso meron ka na." Kibit-balikat lang si Shaina at tumawa si Ruru.

Ako na ang naghugas dahil silang dalawa naman na ang nakatoka sa gagawin na dress namin. Pinapanood ko sila kaunti habang naghuhugas ako.

Biglang dumaan sa isip ang nangyari kanina. Bakit ba sinasabi ni Ruru na magwawala si Shaina kung nakita niya si Sean? Kilala niya ba? Hindi ko kilala, e. Hindi naman pamilyar.

Hindi ko rin naman kasi sinabi sa kanila na may nakabanggaan ako noon sa ICCT na may invitation ng kasal nila Kuya Echo.

I can't even recall what happened that dusk. Basta ang alam ko lang ay pareha kami ng invitation. Iyon lang.

All I know is his name. Paano ko siya hahanapin? Sean lang alam ko e ang daming Sean sa mundo? Maybe I'm just gonna paste the ICCT at umasa na may makita akong information sa Facebook.

Sumali na ako sa kanila pagkatapos ko gawin ang mga dapat gawin. We started finalizing the materials and the tela. Mahaba ang binili namin, base sa sinabi ni Shaina.

Wala akong alam masyado rito dahil hindi naman Fashion Design ang course naming tatlo, silang dalawa lang medyo may knowledge when it comes to this.

Tumutugtog ang phone ni Shaina na nakacharge sa sala, as usual. Kami ni Ruru ay nasa kuwarto ang phone, siya lang naman adik sa phone sa aming tatlo.

Tahimik lang kaming dalawa ni Ruru na naglalabas ng mga gagamitin na decoration. May beads kaming binili para hindi lang plain ang susuotin namin. My heart can't wait what would be the dress look like.

"Tayo," ani Ruru sabay bagsak ng medida hanggang sahig. Tumayo naman ako at nag-umpisa na siyang kunin ang mga measurements ng katawan ko.

"Your waist is so small.." Komento niya nang sabihin kay Shaina kung ano ang waistline ko. "Pinapakain naman kita rito, bakit maliit pa rin?"

I heard Shaina's little laugh, "Malay ko. Baka hindi lang talaga destined sa akin tumaba."

Ruru just pursed his lips and proceed to what he needs to do. He made me face him my back kaya ginawa ko naman. When he held the back of my shoulder, hindi ko mapigilan na mapasigaw kaunti.

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now