Chapter 32

6 0 0
                                    

"Ang mahal naman niyan,"

Kumunot ang noo ni Shaina sa akin. Tinawanan ko lang siya at nagturo ng mas maganda pero mura. Nandito kasi kami sa labas at bumibili sila ng mga pang regalo nila.

Malapit na rin kasi mag pasko at uuwi uli sila kagaya rati. Hindi na nila baon ang baon nila rati dahil mga regalo na sa relatives nila ang dala pauwi.

Maraming tinuturo si Shaina na iniiling ko naman at nagtuturo ng iba. Ang mahal kaya ng mga gusto niya e sigurado naman na tatanggalin lang mga ulo ng barbies.

Hindi naman kasi porke may ipon na kaming tatlo ay gagastos na kami kaagad. Although it's our own money naman but I'm just making her practical.

Who knows kung may emergency na mangyari and kailangan gamitin ang mga ipon? It's better na sure ang lahat at may magagamit pa.

Halos mag-away kaming dalawa hanggang matapos na naming bilhin lahat ng mga relatives niya. Sa totoo lang, gusto ko ring maranasan ang mga ginagawa niya pero sino naman ang mga reregaluhan ko?

Wala naman akong mga pamangkin o kilala man lang na pinsan para sana regaluhan. I'm from a small family, walang mga kapatid ang magulang ko kaya wala talaga.

Unlike sa kanilang dalawa na ang dami nila. "Bilhan mo na lang ang mga banda.." Suhestyon niya habang pabalik kami sa simbahan.

Apat na malalaking supot ang nabili namin, at limang mahabang rolyo ng gift wrap. Mabuti na lang at hindi ganoon kainit kaya okay lang maglakad pabalik.

Ngumuso ako sa narinig. "Puwede naman. Pero sinabihan na nila ako dati na huwag na raw. Ikeep ko raw iyong pera ko.."

Noong inimbita kasi ako ni Rajih sa birthday niya, nagregalo ako ng dalawang tripod sa kaniya. Hindi lang basta-basta tripod iyon, ah!

Mahal ang bili ko kasi gusto ko tumagal sa kaniya iyon at maalala niya ako kapag ginagamit niya iyon.

Nakita ko kasi noong dumalaw ako sa kanila iyong tripods niya na medyo hindi na sa maayos na kondisyon kaya naisip ko na ganoon na lang ang regalo ko.

"Ang mahal nito tingnan! Nasaan ang resibo?" Aniya nang makita ang regalo ko.

Natawa si Sean na umiinom sa tabi ko. "Huwag mo nang isipin iyong price, ganiyan binili ko para magtagal!"

Marami pa siyang reklamo, kesyo dapat hindi na talaga ko gumastos, na okay na iyong existence ko sa birthday niya, pero sa huli ay tinanggap niya pa rin iyon.

First time kong magregalo sa ibang tao na hindi ko talaga nakakausap.

"Talaga? But you can try! Hindi naman kasi obligado na mahal, basta galing sa puso."

"Why are you telling that now kung dapat kanina mo pa iyan naiisip habang nagtuturo ka ng one thousand pesos na barbie doll?" Humalakhak ako.

Tama lang naman siya sa sinabi. Basta galing sa puso, walang panama ang presyo dahil walang katumbas ang pagmamahal.

Hinding-hindi mabibili ng pera ang saya. Kahit baliktarin man ang mundo.

Inirapan lang niya ako sa sinabi. "Pero girl, gusto kong magregalo kila Rey!"

Tanaw ko na si Ruru sa labasan ng simbahan. Kumunot ang noo ko dahil isang plastic lang ang dala niya.

Akala ba namin marami siyang bibilhin dahil doble ang reregaluhan niya kaysa kay Shaina?

Bakit ngayon ay halos wala siyang dala? Hindi siya bumili?! E bukas na ang alis nila!

"Alam mo iyon? Parang ang ganda magregalo ng kaldero na ginto." Humalakhak siya.

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now