Chapter 7

7 0 0
                                    

Ako ang naunang magising sa aming tatlo. Wala nga akong ideya kung bakit, si Ruru kasi lagi ang nauuna sa amin pero ako ang nauna. Sinubukan ko uli bumalik kaso hindi ko na magawa, at baka hindi na ako magising. May pasok pa kami ngayon.

I just make a coffee while waiting for Ruru and Shaina to wake up. I can take a bath now, but I was too bothered by what she said last night.

Hindi ko nga alam kung paano ako nakatulog kagabi! Not because I like Kuya Echo but damn! Parang kailan lang ay sinasabi niya na wala siyang balak mag-asawa tapos mababalitaan namin kagabi na ikakasal na pala siya?

Bwisit talaga iyon.

Jericho Aranza is his name. Anak siya noong may-ari ng water station at marami pang stores dito sa bayan namin. Kaibigan namin iyon kasi lagi siyang tambay diyan sa tapat namin, nandoon kasi iyong mga kaibigan niya.

Grabe lang, may girlfriend pala iyon tapos sinasabi niya sa amin last week na wala siyang gana magkaroon ng love of his life! Isang malaking scam.

"You're early," umangat ang ulo ko sa nagsalita. "Akala ko binangungot ka nanaman. It made my anxiety goes high, again." Ruru said to me.

"Ah.. Sorry. Hindi. Maaga lang akong nagising." Naawa ako bigla sa sinabi niya. Almost four years na kaming nandito, at sa loob ng mga taon na iyon ay pinaparusahan ako ng bangungot ko.

Of course, they know about the existence of it. Magtatagal ba sila rito kung wala silang care sa akin? Lalo na si Ruru. There's one time na I almost can't wake up from that dream, ang alam ko lang noon ay nabagok ako tapos hindi na ako nagising.

I was too scared. Ruru felt terrified while we're on our way to the hospital. Good thing, naaksyunan kaagad. Still, I still feel sorry for putting those anxiety inside their head.

"Naligo ka na sana.." Aniya sabay bukas ng mga kaldero. Pinanood kong manlaki ang mata niya.

Dahil ayoko pa naman maligo, habang iniinom ko ang kape ko ay nagluto na ako. Para wala na siyang gagawin, para maaga na kaming makaalis mamaya.

At saka, aabangan pa namin si Kuya Echo mamaya! Gosh, kung hindi lang talaga kagabi namin nalaman, kakalabugin namim bahay nila. Scam talaga siya!

"Hindi pa rin gising si Shaina? Para makakain na tayo," medyo busog kong sabi. Hindi ko alam kung makakakain pa ba ako ng almusal namin.

Nagkibit-balikat siya. Ilang saglit lang ay lumabas na si Shaina, iniwan niyang bukas ang pintuan at naririnig namin iyong music na pinapatugtog niya.

Napapikit ako dahil sobrang klaro nito sa pandinig ko. I closed my eyes, hoping that it will lessen the coming pain in my heart but it couldn't.

To tell you I'm sorry
For breaking your heart
But it don't matter, it clearly
Doesn't tear you apart anymore

Sumasabay si Shaina sa music habang inaayos ang mukha. Naghilamos siya sa sink na kumakanta pa rin hanggang maupo na siya sa harapan ko. Nakatingin na pala kami sa kaniya, nagtaas siya ng kilay.

"Ang aga-aga, ganiyan kayo makatingin?" Natatawa niyang sabi.

"Ang aga-aga para magpatugtog ka ng malungkot," ani Ruru. Inirapan lang siya ni Shaina. "Kumain na lang tayo."

Napigilan ko ang sakit na parating sa puso ko at kumain na lang. Si Shaina na ang pinauna namin dahil si Ruru na lang ang maghuhugas. Ayaw niya magpatulong kaya hinayaan ko na lang.

Maliwanag na ang labas pagkabukas ko sa mga bintana sa bahay. May mga bata na umiiyak papasok sa mga kapitbahay namin. May iba na naghahanda na sa panibagong araw na tatahakin.

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now