Chapter 15

1 0 0
                                    

Two days before Christmas, Ruru and Shaina's calling me just to check me out. Okay lang naman sa akin kung tatawag sila para kumustahin ako but hindi ko naman matatanggap na tatawag sila para icheck ako kung buhay pa ba ako or what.

"As far as I know, wala akong sinasabing suicidal ako o may thoughts akong ganyan," gamit ang baso na laging gamit ni Ruru, iyon ang sandalan ng phone para malagay ko sa harapan iyon.

Nakahiga pa si Shaina habang si Ruru ay nasa kusina nila at nakatalikod sa akin halatang nagluluto.

"Kahit na. Malay ba namin na pati iyon tinatago mo rin sa amin?" May bahid ng kung ano ang boses ni Shaina na tinawanan ko lang.

"Wala nga. Nandito lang naman ako, tinatapos ang projects natin." Sabi ko sabay angat ng mga ginagawa. "Ang tanong, tapos na ba kayo?"

"Sana pala hindi na ako umuwi, hindi ko magawa iyong akin." Pansamantala tumigil si Ruru sa ginagawa.

"Bakit naman?" Sabay kami ni Shaina.

Pero mukhang nakuha ko rin kung ano ang tinutukoy niya. Although it's not his fault na marunong siyang magluto, he can just say no sa parents niya para magluto sa kanila for Noche Buena!

"I'm the one going out to buy ingredients, ako pa nagluluto." Halos ibato niya sa phone ang hawak na kutsilyo. "If hindi lang punuan ang mga terminal ngayon, uuwi ako."

Tumawa lang kami ni Shaina. "May oras pa naman. Second week pa naman tayo ng January babalik."

Napatango ako sa sinabi niya. Alam ko iyon pero gusto ko na tapusin ito, o kahit makalahati bawat araw. Para paunti-unti ay natatapos ko na.

Hindi ako fan ng cramming, lahat kami, kasi pumapangit ang gawa kaya hindi na namin binabalak na gawin iyon.

Nagpatuloy ang usapan namin hanggang biglang nagkuwento si Shaina tungkol sa hiking. Napatigil ako dahil may naalala ako sa salitang iyon.

"Bakit? Hiking kayo this Christmas eve?" Tawa ni Ruru.

"Tse! Iba kasi tinutukoy ko!" Bumalikwas si Shaina sa pagkakahiga. Sana lahat kayang manatili sa kama na walang iniisip na requirements, e? "Iyong banda kasi. Iyong kaibigan ni Guenne!"

"O, bakit ako?"

"Hindi ba friend mo naman si Sean ng Midnight Cullen? Girl, hindi mo ba alam na maghihike sila sa Mt. Banahaw as a band?"

Hindi maintindihan ni Ruru si Shaina kaya hindi siya nagbibigay ng atensyon pero ako ay na-estatwa sa kinauupuan ko.

Hiking? Nabanggit nga ni Louise iyon nang magkita kami. Ilang araw na ba simula nang mangyari iyon? Nakalimutan ko na pero tanda ko pa lahat ng sinabi niya.

"Ah.. Ano naman?" Nagkunwari akong walang alam. Hindi nila kasi alam na nagpunta ako ng ICCT at nagkita kami ni Louise sa hindi inaasahang pagkakataon.

"Wala lang! Ka-excite siguro, 'non? Pero alam niyo ba na sayang kasi hindi sasama si Rajih!" Nawala na si Ruru sa frame, halatang walang gusto sa naririnig.

Natigilan na naman ako sa narinig. Kung hindi ako nagkakamali, si Rajih iyong kausap ni Louise noong araw na iyon at mukhang may problema sila? Kung tama ang hula ko, baka iyong sinasabi ni Shaina ang dahilan ng pag-aaway ng dalawa.

"Kasama naman siya sa banda, hindi ba? Akala ko ba buong banda?" Hindi ko pa sila kilala lahat pero once ay tiningnan ko uli ang picture nila at kilala ko na sila sa mukha.

"Iyon ang alam ko pero nababasa ko sa Facebook group ng banda na may conflict ata sila ng nililigawan niya. Kaya hindi makakasama."

May nililigawan siya? Mabuti naman, akala ko iyonhg Rey lang ang may girlfriend sa kanilang lahat.

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now