Chapter 25

2 0 0
                                    

"Oh, then why are you not sad?"

Gusto kong matawa sa narinig. Sinulyapan ko siya sa salamin na nasa harapan. "Why would I be sad?" pabalik kong tanong.

Bumalik na ang kapatid niya sa tabi ko at nagsimula nang ayusin ang buhok ko. Buhok muna dahil masyado pang maaga para gumamit na ng make-up.

He crossed his arms on me and stay his stare. Napansin iyon ng kapatid niya at hindi ko lalo mapigilan na matawa.

Are they really expecting me to sulk whole day just because... Louise won't come this day? I know I'm very emotional person... but not like this.

Nalaman ko na ang dahilan ni Louise kahapon. Kung bakit siya umiiyak nang hatakin niya ako palayo sa mga tao.

And it's because he couldn't make it to my own graduation--- which is ngayon na sana. At first, I was shocked, too. Kasi akala ko talaga makakapunta siya but when he told me the reason, I feel okay na rin naman.

"Bakit hindi ka galit, then?" tanong uli ni Ruru sa akin.

"Sabi ko nga, may performance sila sa Norte, Ruru. Okay lang naman sa akin dahil... si Louise iyon. Ilang beses na niyang nababanggit sa akin na kagustuhan niya ang magperform sa maraming tao.."

"Kaya nang malaman ko iyon bukas, deretso payag na ako sa kaniya na okay lang sa akin. Wala naman akong nararamdaman na kahit ano, excited pa nga ako sa update niya sa kung anong mangyayari." ngumiwi ako.

Siguro, natutunan ko iyon simula bata pa ako. Dahil alam ko na ang pangarap niya simula noong bata pa kami, automatic na pumayag ang sarili dahil kagustuhan niya iyon mismo.

Ayoko maging dahilan ng kahit anong sama ng loob niya kaya anong magagawa ko? Puwede naman kaming magcelebrate sa susunod.

"Ang mas importante ngayon, mahaba pa ang araw para sa ating tatlo." Humalakhak ako. Sumang-ayon sa akin ang kapatid niya.

He just rolled his eyes, "Aakyat si Shaina rito maya maya."

"Okay.." tapos umalis na siya. Nang makaalis na siya, nakiusyoso si ate sa amin, kung ano ba pinag-uusapan namin.

Natawa naman ako lalo at sinabi na lang sa kaniya.

Tama lang ang sinabi ni Ruru dahil bumisita si Shaina pagkatapos akong ayusan ng buhok. Sumaglit lang siya para tingnan kami rito.

Maaga kasi akong nagpunta rito para isahang alis na lang kapag tapos na ang lahat, kagabi, nasa bahay ako mag-isa para hindi na dagdag dito sa kuwarto.

Kausap ko lang si Louise hanggang magpaalam siya na matutulog na. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam kahit isang text. Okay lang naman, baka busy na sila roon.

Nang matapos ang lahat, bumilis ang oras at natapos na kaming mag-ayos. Sobrang ganda ng pagkaka-ayos sa akin ng kapatid ni Ruru.

Request ko na huwag masyadong maraming make-up, dahil malakas ang kutob ko na iiyak lang ako throughout the day.

But it even though what she did was simple, it still give highlights to my face. I complimented her for doing a great job but she just told me that I really have an angelic face kaya natural na iyon sa akin.

Bago umalis sa hotel, kumuha muna kami ng pictures. Sa lobby, Ruru took a mirror shot of the three of us while wearing our formal clothes first. Mamaya na iyong may suit dahil madudumihan.

Tawa lang kami nang tawa hanggang makarating kami sa school. Hindi man kagaya ng dami ng tao kagaya sa ICCT kahapon, ang importante ay ang sayang namumutangi sa bawat mukha ng mga taong nandidito.

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now