Chapter 3

9 0 0
                                    

Sa totoo lang, hindi ko na inalam kung ano ang mga banda o mga CD na kinuha ko kagabi, basta inisip ko na lang iyong mga posible na magugustuhan ni Louise. Dahil wala pa akong naririnig na tugtog niya, o mga kantang tinuro sa kaniya, wala akong ideya.

Pero ngayon, sari-sari ang mga nararamdaman ko.

Kung hindi dahil kay Tita, hindi pa niya mapipilit si Louise na isama ako sa music room nila. Parang normal lang na kuwarto ang sinasabi nilang 'music room', ang kaibahan nga lang ay walang mga higaan, kundi mga instrumento lang.

Wala akong ideya kung ilang minuto na ang lumipas simula nang magpasalamat siya at tawagin ako sa pangalawa kong pangalan!

Lahat ng taong nakikilala ko ay Guenne ang tawag sa akin! Pero si Louise, iyong Avrienne ang ginamit niya! Wala pang nagtatawag sa akin noon, pero grabe lang!

Kung puwede lang kiligin dahil alam niya pala ang pangalan ko, ginawa ko na! Ngunit ayoko naman siraan ang mood niya.

Pinapanood ko siya na ilagay sa turntable raw ang tawag sa paglalagyan ng vinyl na dala ko. Ayaw pa nga niya sana gamitin pero sinabi ko na okay lang.

Kung masira man, ako ang aako ng kasalanan.

Nakangiti lang ako hanggang tumingin siya sa akin. Ayokong umasa, ayaw umasa ng bata kong puso sa kaniya. Bata pa lang kami, pero grabe na ang tibok ng puso ko.

Hindi naman ako ganito noon! Marami akong naging kalaro sa kalye na puro batang lalaki kagaya niya at ni isa sa kanila ay hindi ko naramdaman ito!

"May papakita ako sa'yo," nahila ako sa pag-iisip sa sinabi niya.

May kinuha siya sa isang cabinet. Napangiwi ako nang makita na isang bond paper lang iyon. "Ano naman 'yan?"

Lumapit siya sa akin at hinarap sa akin ang kabilang bahagi nito. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita. "Iyong dala mo, matagal ko nang gusto iyon. Kaso walang mahanap si Papa kaya prinint ko na lang."

Album cover iyon na kapareha sa isang vinyl na dala ko! Wow! "Talaga?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita.

Mas lalong nagbunyi ang puso ko dahil sa nalaman. Gusto ko lang naman dalhin iyon para kausapin niya ako tapos ganito pala ang mangyayari!

Salamat talaga kay Yanna dahil sinabihan niya ako sa hilig ng kapatid!

"Tara, pakita ko sa'yo mga collection ni Papa." Binalik niya iyon sa pinagkuhanan niya at inaya ako. Lumapit naman ako sa kaniya at tiningnan ang mga sinasabi niya.

Pero laging napuputol ang atensyon ko sa mga CD at Vinyls na collection ni Tito dahil napupunta ang tingin ko sa mukha niya. Magulo pa rin ang buhok nito at amoy bagong ligo pa siya.

Hindi ko alam kung anong gamit niyang sabon, mas mabango kaysa sa ginagamit ko.

"Heto," inangat niya iyong isang Vinyl na naging dahilan para malaman ko ang mga hilig niya. "Mahalaga 'to sa akin, Avrienne."

Heto nanaman siya. Normal lang naman dapat ang reaksyon ko kasi pangalan ko rin iyon! Pero grabe talaga! Siya lang tumawag sa akin noon at wala akong panghihinayang!

"Kasi iyan ang pinapakinggan mo kahit nasa loob ka pa ni Tita saka hanap-hanap mo iyan noong nagkaisip ka?" Nakangiti kong sabi.

Pinanood kong bumagsak ang labi niya sa narinig. "Wow. Paano mo nalaman?" Mangha nitong ani sabay balik sa hawak.

Nagkibit-balikat ako. Hindi ko na lang sasabihin, Louise Rafael, hindi ko babatiin ang pagkakataon na 'to.

***

(Magnus Haven #4) Hope Not (COMPLETED)Where stories live. Discover now