Prologue

278 81 18
                                    

"Say, pal, don't you wanna play?"

'No!' gustuhin ko mang isigaw iyon ngunit hindi ko magawa. Naputol, hindi, pinutol niya ang dila ko! Namuo ang galit at takot sa aking sistema. Tinuring ko siyang kaibigan, hindi ko alam na magagawa niya sa akin ito, sa amin.

Narito ako ngayon sa isang lumang gusali, paano ako nakapunta dito ay hindi ko alam. Nagising nalang akong nakatali sa upuan at pakiramdam ko ay hinampas ako ng maraming beses sa sakit ng aking katawan.

'Ugh!' Ungol ko ng magising ako dahil sa kakaibang sakit at hilo na nararamdaman ko sa iba't ibang parte ng aking katawan.

Kahit masakit ang aking katawan ay pinilit kong igala ang aking mga mata sa paligid. Ipinikit ko na ang aking mga mata para matulog ulit, nababaliw na ako sa sobrang sakit plus ang init at ang baho dito, ugh.

Wait a minute....

This ain't my room!

Iginala ko ulit ang paningin ko sa paligid.

Dugo...

Madaming dugo...

Tumingin ako sa katawan ko. Ngayon ko lang nahalata na nakagapos ako sa upuan, marami akong pasa at gasgas at ang pink kong dress ay may mga mantsa, batid kong dugo iyon.

Sinubukan kong sumigaw at humingi ng tulong ngunit walang lumalabas na boses sa aking bibig. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako napaos.

Teka nga, paano ako nakapunta dito?

This ain't the right time to think about that, idiot. You need to get out of this place!

Sinubukan kong alisin ang lubid na nakagapos sakin. Ilang beses din akong napasinghap ng hangin dahil napakainit talaga sa lugar nato, at isa pa, madilim at ang buwan lamang ang tanging nagbibigay ng liwanag, na mas lalo pang nagpahirap sakin.

Ramdam ko din ang pagluwag ng lubid dahilan para magkaroon ako ng pagasa.

Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng mga yabag na papunta sa gawi ko dahilan para mapatigil ako. Medyo malayo pa naman ang mga yabag ngunit mas lalo kong binilisan ang pagaalis ng lubid.

Mas lalo pang lumapit ang mga yabag at grabe nalang ang pagkagalak ko ng maalis na ang lubid sa katawan ko.

Mabilis akong naghanap ng pwedeng pagtaguan o takasan. Ng makita kong may hagdan malapit roon sa upuan na nakagapos ako kanina ay dali dali akong tumungo roon at mabilis na bumaba.

Pag tungtong ko sa baba ay narinig ko naman ang pagbukas ng pinto galing sa kwarto na kinaroroonan ko kanina dahilan para maalarma ako at mabilis na tumakbo. "Darn!" narinig ko pang sigaw ng isang boses ng babae, na nanggagaling doon sa kwarto.

That voice were kind of familiar tho.

Shit! Stop hallucinating, for peteness' sake!

Tumakbo lang ako ng tumakbo, lumiko ng lumiko, hindi ko alam kung nasaan nako ngunit wala na akong pakialam, basta ang mahalaga ay makalabas ako sa madumi at mabahong lugar na ito.

"You can't run away from me, you bitch!" narinig kong sigaw mula sa likod kasabay ang isang malakas na tawa. Hindi ako pwedeng magkamali, kilala ko nga kung kaninong boses to.

Boses ni...

Ni...

Ni...

Napatigil ako sa pagtakbo ng makarinig ako ng putok ng baril. Naramdaman ko din ang pagkamanhid ng kaliwa kong hita na unti unting kumikirot. Shit!

Hindi ko na ininda ang sakit, pinilit kong tumakbo kahit na iika ika, pilit na tinatakpan ang aking hita na patuloy parin sa paglabas ng dugo. Can't blame me tho, it fucking hurts and the thought that i can possibly die by blood loss is scaring me.

'Shit' sabi ko sa sarili ko nang mapagtantong wala na akong malikuan pa. Dead end kumbaga.

Narinig ko naman ang makademonyong tawa nung babaeng iyon. Mas lalo akong nataranta dahil naglakad siya papalapit sakin dahilan para mapaupo ako. Namuo ang galit, kaba at takot sa katawan ko. Nanginginig ako, at tagaktak na ng pawis ang mukha ko. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako anytime soon.

"Say, pal, don't you wanna play?"

"I'll take that as a yes, then" sabi niya na ngumisi ng nakakaloko. Umiling iling naman ako habang abot langit ang kaba at takot. 'Please, wag, ayoko pang mamatay'

May kinuha naman siyang kung ano sa gilid. Literal na nanlaki ang mata ko habang umiiling iling at umiiyak ng marealize ko kung ano iyon.

It's a scythe.

Itinaas niya naman iyon at bahagya pang inilapit sakin. Napapikit na lamang ako habang hinihintay na itusok iyon sa akin ngunit walang tumusok. Narinig ko nanaman yung tawa niya.

Napatungo nalang ako at humagulgol. Hindi ko inaasahang ganito pala matatapos ang buhay ko. Lalong lalo na't hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito!

Hinawakan niya ang baba ko at malakas iyong iniharap sa mukha niya. Tinapat naman niya ang panabas sa likod ng aking leeg. Kakaba kaba ko pang tiningnan yung panabas mula sa gilid ng mata, napalapit noon at pakiramdam ko, unting galaw ko lang ay tutusok yon sa akin.

Tiningnan ko naman ulit siya. Nakangisi lang siya at kitang kita sa mga mata niya ang tagumpay. Na parang malapit ng mangyari ang gusto niyang mangyari, ang pagkamatay ko.

Ngunit... bakit niya naman ako gugustuhing mamatay?

"Game over, Janeah" and then everything went black.

Play (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon