Chapter 13

106 56 2
                                    

NAMICHIKO

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging usapan namin ni Nicole kanina. Naglalakad ako papuntang classroom ngunit lumalayag ang isip ko.

Bakit naging ganoon na lang ang reaksyon niya ng sabihin ko ang pangalan ni 'Athena'? Halos sabay naman silang nagtransfer at madalas din nagkakausap ang dalawa kaya ganoon na lang ang pagtataka ko ng bigla siyang sumeryoso.

"Nami, saan ka galing? Diba sabi ko mauna ka na dito sa classroom?"

Hindi kaya nagkaaway sila? Hindi. Imposible. Bago mamatay si Athena ay magkaayos sila ni Nicole. In fact, nakita ko pa nga sila sa rooftop na nagkwekwentuhan noon.

"Nami? Hey. Nakatulala ka na."

Aish. Ang sakit sa ulo magisip. "Some things... are better left unknown." naalala ko nanaman yung sinabi niya saakin bago ako tuluyang iniwan sa rooftop.

"Namichiko."

Tsk ano ba yan, Namichiko. Ang bata bata mo pa, ang dami mo na agad iniisip.

"Namichiko!" rinig kong sigaw ni Samantha mula sa tabi ko dahilan para bumalik ako sa huwisyo. Simula noong magkabati kami ay sa upuan na siya ni Athena nakaupo. Buti na lang at hindi kami napapagalitan ng mga prof.

"Samantha naman eh, bat ka ba naninigaw?"

"Eh kasi naman kanina ka pa diyan tinatawag, nakatulala ka lang."

Nagulat naman ako. "T-talaga?"

"Yup. Is everything alright? Did something happened?"

Umiling ako. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang naging usapan namin ni Nicole. "Wala, may iniisip lang ako."

"Mind if you share it with me?"

"Hindi pwede!" wala sa sariling sigaw ko dahilan para magulat siya at mapalingon ang iba naming kaklase. Very good, Namichiko, you did great embarassing yourself. Umiwas naman ako ng tingin. "I-i mean, it's n-nothing special. Y-you don't need to k-know."

"Alright..." nagtataka niyang usal saka nagayos ng upo. Hindi na rin ako kumibo at baka kung saan pa umabot ang usapan.

"Some things... are better left unknown." naalala ko nanaman yung sinabi ni Nicole. Napabuntong hininga na lang ako at inayos ang mga gamit na gagamitin ko sa next subject.

LUCA

"Great job." papuri niya sakin matapos kong magawa ang misyon ko.

Oo, ginawa niya akong alagad niya. Hindi ko alam kung paano ngunit wala na rin naman akong choice. Masyadong mapanganib ang taong to, no scratch that, hindi siya karapatdapat na tawaging tao.

Napatingin ako sa hawak kong papel saka tingin ulit sa isang bahay na nasa harap ko mula dito sa kotse, sinisugurong tama ang bahay na napuntahan ko.

"Ipalit mo itong mga prutas na ito sa prutas na idadala ni Nicole." naalala ko naman iyong utos niya sakin. Napailing nalang ako at nagmasid masid sa paligid. Maya maya lang ay lumabas ang isang babae na nakakulay puting tshirt at nakaripped jeans. Batid kong si Nicole iyon.

May dala rin itong basket ng mga prutas. Inilagay niya iyong basket sa bubong ng kotse niya habang inaayos ang kung ano sa kotse. Ipapasok na sana niya iyong basket sa kotse ng may lunapit sakanya.

Para bang binibigyan nila ako ng pagkakataong magawa ang aking plano. Nakita ko kung paano nangunot ang noo ni Nicole habang kausap ang isang matandang babae. Dali dali niyang ibinalik iyong mga prutas sa bubong ng kotse niya at pumasok sila doon sa bahay.

Hindi na ako nagaksaya ng oras pa. Lumabas na ako ng kotse at pinagpalit iyong basket na dala ko sa basket niya. Napangiti naman ako.

"Magingat ka dahil masyadong matalino ang babaeng ito." naalala ko naman yung sinabi niya bago ako pumunta dito. Matalino ba to? Eh ang bobo nga, iniwan ba naman sa labas yung mga prutas.

Sabagay, wala namang nanakaw ng prutas sa mga panahong ito, diba?

Mabilis akong bumalik sa kotse at nagdrive na papunta doon sa lumang gusali na tinataguan niya.

"I don't know you can be that useful." sabi niya sabay kagat sa prutas na galing doon sa basket ni Nicole. "Game over, Drake." nakangisi niyang bulong ngunit sapat na iyon para marinig ko.

Napabuntong hininga na lang ako at umiling iling. Hindi ko alam na mamatay tao ka na pala, Luca.

Play (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon