Chapter 2

168 75 17
                                    

NAMICHIKO

Naglalakad ako sa hallway ng school. Nothing's new, lahat may pinagkakaabalahan. May nagkwekwentuhan, naglalandian, nagtatawanan at ang iba ay may pinagtritripan. Ako? Playing the role of a certified loner.

Hindi ako magaling makipaghalubilo sa iba. I'm more like a awkward person. Don't mock, talking to others without a particular reason isn't really my thing.

Pumasok na ako ng classroom. For some reason, napatingin ako kay Samantha. Nakatulala lang siya sa board dahilan para mapalingon ako don.

'Umamin na ang dapat umamin, diba Samantha?'

Napabuntong hininga na lamang ako at tsaka umiling. Tumungo nalang ako sa upuan ko at doon tumahimik. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan at pagkakatiwalaan pa. Nilingon ko ang katabi kong upuan, upuan ni Athena, ang bestfriend ko ngunit grabe nalang ang pagtataka ko dahil wala siya doon kahit ang bag niya. Lagi pa naman iyong maaga.

"Nabalitaan mo girl? Dead na si Janeah."

"Eh? San mo naman narinig yan? Nako, nagpaloko ka naman."

"No girl, totoo siya, i swear. Chika to ni Vivien."

Nagulat ako nung marinig ko yun. Ano raw? Wala na si Janeah? Kailan pa? "E-excuse me, anong ibig niyong sabihin?"

"Oh hi Nami-girl! So ayun nga, patay na raw si Janeah. May nagpadala daw ng gift sa parents ni Janeah-girl, hindi chinika yung name and then ang nasa loob pala nung gift ay ang head ni Janeah-girl." tatango tangong explain nung babae. Tumango na lang din ako at tumalikod sa kanila.

"Alam mo girl, feel ko talaga si Sammy-girl lang ang gagawa nito eh."

"Oo nga, wala talagang hiya yang Samanthang yan eh"

"I know right"

Naririnig ko pa silang naguusap pero hindi ko na sila pinansin pa. Pakiramdam ko sasabog ang buong utak ko kakaisip.

Sino naman kaya ang may kagagawan neto?

SAMANTHA

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa school ay matatalim na tingin at masasamang komento na agad ang natanggap ko mula sa aking mga schoolmates.

Aaminin kong nasasaktan rin ako sa mga pinagsasabi nila at binibintang nila sakin ngunit wala naman akong mapapala kung ieentertain ko sila. Bumuntong hininga na lamang ako at tumungo ng classroom.

Pagpasok ko ng classroom ay umupo nalang ako sa aking upuan. Ganoon din, masasama ang mga tingin nila at nagbubulungan, batid kong tungkol sakin yun.

Napailing ako. Napakabilis na talagang manghusga ang mga tao ngayon.

Kinuha ko ang bag ko at kinuha roon ang mga kailangan para sa first subject ng mabaling ang atensyon doon sa board.

'Umamin na ang dapat umamin, diba Samantha?'

Ilang saglit pa akong napatulala doon. Wala kang dapat aminin, Samantha, dahil wala ka namang ginawa. Pilit kong sinabi sa sarili ko ng maramdamang umiinit ang mata ko at batid kong ilang saglit lang ay luluha nako.

Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na nakatingin si Namichiko sakin. Hindi ko na lamang siya pinansin dahil napako ang tingin ko sa board. Wala kang dapat aminin, Samantha, dahil wala kang ginawa.

Ngunit dahil wala kong ginawa, namatay si Janeah. Napakatanga mo, Samantha.

Napaluha ako ngunit bigla ko iyong pinunasan. Naalala ko iyong text na natanggap ko, anim na araw matapos mawala si Janeah.

"Yes babe?" sabi ko matapos kong sagutin ang tawag ni Drake.

"Samantha..." pagtawag niya sa pangalan ko. Malungkot ang boses nito dahilan para magtaka ako. Isa pa, 'babe' ang tawag niya sakin at hindi 'Samantha'.

"Yes 'babe'? May problema ba 'babe'?" sinadya ko talagang tigasan yung 'babe', naiinis ako sakanya.

Nakarinig naman ako ng pagbuntong hininga sa kabilang linya. "Samantha, let's... let's end this."
Nakaramdam ako ng galit. Bakit? Dahil nanaman ba kay Janeah? "I just think this isn't wor-"

"Dahil ba kay Janeah?" mahinahon kong tanong kahit galit na galit ang puso ko.

"I'm sorry..."

"Dahil ba kay Janeah?!" pagulit ko sa tanong ko ngunit mas malakas na ito. Tumulo narin ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.

"O-oo..."

"Why?"

"Nung makita kita, alam ko sa sarili kong gusto na kita. N-ngunit noong nawala si J-Janeah, narealize ko... narealize ko na mahal ko siya. Nagalit ako s-sa sarili ko, mas p-pinili ko yung gusto ko lang, kesa doon s-sa mahal ko."

Ikinuyom ko yung kamay ko. Hindi sapat ang mga salitang 'nasasaktan' at 'nagagalit' sa nararamdaman ko ngayon. "I'm sorry, Samantha but i love Janeah" pagkasabi niya noon ay inend ko na yung call. Ayoko na. Hindi ko na kaya.

Inilapag ko yong phone ko sa study table ko at umupo sa kama at doon umiyak. Ito ang kailangan ko ngayon, ang ilabas ang lahat ng sama ng loob na nadarama ko.

Napatigil na lang ako ng biglang magvibrate yung phone ko. Kinuha ko iyon at nakita kong may text galing sa unknown number. 'Sino naman kaya to?' nagtatakang tanong ko sa sarili ko. Napailing nalang ako. As if naman may sasagot sa tanong kong iyon.

Binuksan ko nalang iyong text at binasa iyon.

'St. ****** ******

Pumunta ka sa lugar na iyan kung gusto mo pang makitang buhay ang bestfriend mong si Janeah.'

Hindi ko iyon pinuntahan dahil sa sobrang galit. Akala ko, sa tulong non ay makakahiganti ako kay Janeah ngunit hindi ko alam na iyon rin ang bagay na aking pagsisisihan sa buong buhay ko.

Binulag ako ng galit na nararamdaman ko. Hindi ko aasahan na magagawa niya iyon. At mas lalong hindi ko inasahan na siya ang may kagagawan ng lahat na ngayo'y sakin binibintang.

Pinatay niya si Janeah, pinatay niya ang bestfriend ko.




Play (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon