NAMICHIKO
"Nanawagan ho ang pamilyang Alvares, kung sino man ang makakita sa kanilang anak na si Janeah Alvares, maaring tawagan ang mga numerong makikita sa inyong tv screen"
Ilang linggo na rin ang nakalipas simula ng mawala si Janeah, kaklase ko. Hanggang ngayon ay pinaghahanap parin siya ng mga awtoridad at padagdag na rin ng padagdag ang pera na ibabayad kung sa sino man ang makahanap sa kaniya. Palibhasa mayaman.
Si Janeah Alvares ay isa sa mga kinakatakutan at ginagalang sa aming paaralan, queen bee kumabaga. Ang kaniyang pamilya ay isa sa mga kinikilalang pinakamatagumpay na negosyante dito sa Pilipinas at isa rin sa mga stockholders na malaki ang naiambag sa paaralan na aming pinapapasukan kaya ganoon na lamang ang kapit niya. Walang gustong kumalaban sa kaniya, maliban na lamang kung gusto nilang maging impyerno ang buhay nila.
Halos lahat ng darili sa aming paaralan ay kay Samantha, kaklase din namin, nakatutok. Hindi rin naman ako magtataka, si Samantha ang huling nakasama at nakaalitan ni Janeah noong school formal.
Bigla ko namang naalala ang naging alitan nilang dalawa bago mawala si Janeah.
Naglalakad lakad ako ngayon sa labas ng paaralan matapos makadaan at malagpasan ang mga estudyante na sumasayaw, naglalandian at nagkwekwentuhan. Hindi ako mahilig magparty, mas lalong hindi ko hilig ang magingay. Tawagin mo na akong boring at killjoy, wala akong pakialam.
Napangiti ako ng makita kung gaano kaganda ang paligid. Iyon ang gusto ko, ang tahimik, fresh ang hangin, malinis at maganda. The school's janitor did a great job tho, they deserved better salary.
"Napakalandi mo, Sam, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo kong pagtrayduran ng ganito!" sigaw ng isang babae dahilan para inis akong mapalingon ako sa gawi nila. There i saw Janeah and Samantha, looking at each other with full of anger and disgust. Nagaaway nanaman siguro to dahil kay Drake, tsk tsk.
"Hindi ako malandi, Janeah. Sadyang ako ang mahal ni Drake at hindi ikaw!" banat ni Samantha. Halata namang nagulat si Janeah dahil sa sinabi ni Samantha dahilan para masampal niya ito. Kahit naman ako eh, kung ako sasabihan ng ganon ay yun rin ang gagawin ko.
Hinawakan naman ni Samantha yung pisngi niya na sinampal ni Janeah at tiningnan siya ng masama. "We're not done yet, you slut. Hindi kita tatantanan, mark my words. Mark my words." giit ni Janeah at saka naglakad papalayo. Napailing nalang ako. These immature beings. Sisirain nila ang pagkakaibigan nila dahil lang sa lalaki? Bullshit.
Hindi iyon kailanman nangyari dahil nga nawala si Janeah. Turns out, hindi lang pala ako ang nakarinig ng usapan nila, pati narin si Vivien, ang gossip queen ng school, at pinagkalat ang kanilang paguusap dahilan para mabagbintangan si Samantha. Usap usapan ring baka natakot si Samantha na maging biktima siya ng pambubully kaya bago pa siya nito pahirapan ay inunahan na nito si Janeah.
Napabuntong hininga nalang ako. These are too much for my mind to handle.
THIRD PERSON
"May balita na ba sa anak ko?" tanong ni Mr. Alvares sa kausap niya sa telepono.
"I'm sorry sir, wala pa ho. Pero I'll try my best po at makakuha po ako ng impormasyon as soon as possible."
Napabuntong hininga nalang si Mr. Alvares. Inaasahan niya na ito. "Alright, thank you." saad nito tsaka pinatay ang tawag. Napatingin siya sa asawa nito na ngayo'y nakahawak sa kamay niya at parang nagaantay ng sagot. Umiling iling nalang si Mr. Alvares at tila naintindihan ito ni Mrs. Alvares dahilan para yumuko ito at magsimula ng umiyak.
"Shh, stop crying, hon. We'll get through this, we'll find Janeah, i promise" niyakap niya ang kaniyang asawa na ngayo'y walang tigil sa pagiyak at tsaka hinalikan sa noo.
Nagiisang anak lamang nila Mr. at Mrs. Alvares si Janeah. Mahal na mahal nila ito ngunit kadalasan ay wala itong oras para sa kanilang anak dahil nga sa trabaho. Dahil dun, lumaking spoiled brat si Janeah. Puno ng galit at inggit ang kaniyang puso, sa puntong naging bully siya at tinaguriang queen bee.
Matalik na magkaibigan sina Janeah at Samantha. Hinding hindi mo sila mapaghihiwalay. Nagbago iyon ng ipakilala ni Janeah kay Samantha si Drake, boyfriend niya. Napaibig agad si Samantha rito, love at first sight kumbaga.
Ilang buwan ang nakalipas ng umamin si Drake na may gusto ito kay Samantha. Ganoon din si Samantha. At dahil dun, nagkaroon sila ng sekretong relasyon. Hindi iyon nagtagal. Nahuli ni Janeah si Drake at Samantha na naghahalikan noong school formal.
Iyon ang araw ng pagkasira ng pagkakaibigan nila, at ang araw rin ng pagkawala ni Janeah.
"Excuse me, sir." bigay pansin ng isa sa mga katulong nila dahilan para tumigil sa pagiyak si Mrs. Alvares. Nakakatutok ang paningin ng magasawa sa kahon na dala ng katulong. "May nagpapabigay ho nito." saad nito at inilapag ang kahon sa center table, sa harap ng magasawa. Kumalawa naman sa pagyayakap si Mr. Alvares at kinuha ang kahon.
"Kanino raw galing?" nagtatakang tanong ni Mr. Alvares. Hindi maiwasang magtaka si Mr. Alvares. Hindi niya ito inaasahan.
"Wala hong sinabi, pakisabi na lang raw ho sainyo na sana mahanap na ang inyong anak." sagot nito at tumango nalang si Mr. Alvares. Nagbow pa yung katulong at tsaka nagtungong kusina.
Tiningnan naman ni Mr. Alvares ang asawa na ngayo'y nagtataka rin. Nagkibit balikat nalang si Mrs. Alvares. "Buksan mo na, baka galing lang yan kay Maureen" utos nito kay Mr. Alvares. Si Maureen ay ang matalik na kaibigan ni Mrs. Alvares at ina ni Vivien na siyang tumulong upang maipahayag sa medya ang patungkol sa pagkawala ni Janeah. Tumango nalang si Mr. Alvares at tsaka binuksan ang regalo.
Ngunit hindi ito ang regalong inaasahan nila.
Nagsimulang humagulgol ng iyak si Mrs. Alvares habang si Mr. Alvares naman ay nakatulala lamang roon sa regalong natanggap nila.
Ito ang ulo ng kanilang nawawalang anak
Ang ulo ni Janeah

BINABASA MO ANG
Play (UNDER MAJOR EDITING)
Детектив / ТриллерMystery-thriller. "Say, pal, don't you wanna play?"