NAMICHIKO a year ago
"Good morning, class." bati nung guro na kasama ko ng makapasok siya sa classroom. Nanatili ako sa labas, tinitingnan ang paligid, habang may sinasabi siya sa mga kaklase ko, mga bago kong kaklase.
Di hamak na mas maganda dito kesa sa dati kong school. Mas marami ang puno't mga halaman dito, na mas lalong nagpaganda sa paligid. Mapresko din dito at hindi masyadong madumi.
"Ms. Romero?" rinig kong tawag nung guro dahilan para lingunin ko siya. Nakangiti niya akong tinanguan, senyales na pwede nakong pumasok. It was as if my anxiety had strike again, making me feel nervousness all over my body.
Kinakabahan man ay dahan dahan akong pumasok sa classroom. Lahat sila ay nakatingin sakin, dahilan para mas lalo akong kabahan. "Introduce yourself, please" rinig kong sabi nung guro.
"H-hi... uhm..." kinakabahan man ay pinilit kong ngumiti at hindi mautal pero tinatraydor ako ngayon ng katawan ko. "I-im Namichiko Romero, you c-can call m-me Nami, nice to m-meet y-you all."
Iba iba ang makikitang ekspresyon sa mukha ng mga estudyante dito, ang iba ay nakangiti sakin, ang iba ay parang naiinip, ang iba naman ay may ibang pinagkakaabalahan, ang iba naman ay nakatingin sakin na para bang isa akong walang kwentang bagay.
"Alright, seat wherever you want. I'll be off, now." sabi nung guro at lumabas ng classroom. Nagaalinlangan akong tumingin sa kanilang lahat. Ang iba ay nilalagay ang bag sa tabi nilang upuan, halatang ayaw akong makatabi. Wala na ring ibang bakanteng upuan.
"Here!" narinig kong sigaw ng isang babae dahilan para lingunin ko siya. Nasa likod siya at nakangiting kumakaway sakin. Bahagya ko pang tinuro ang sarili ko at nakangiti siyang tumango.
Nagaalinlangan man ay lumapit nalang ako sakanya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Wala rin naman akong choice, i don't wanna spend this school year sitting on the floor.
Inaayos ko ang gamit ko ng maramdaman kong nakatingin siya sakin. Nilingon ko siya at nakangiti parin siya sakin. Naiilang man ay ngumiti din ako pabalik sakanya at nagiwas ng tingin. Alright. This girl right here is a weirdo.
"Hi, I'm Sabina, Nami, right?"
BINABASA MO ANG
Play (UNDER MAJOR EDITING)
Misterio / SuspensoMystery-thriller. "Say, pal, don't you wanna play?"