SAMANTHA
Grabe ang hingal ko ng makarating rito sa rooftop. Nagkukumpulan na ang mga estudyante. Pahirapan pa kung makasingit ako sa kanila, ang iba nga ay natutulak ko pa. Wala na akong pakialam. Grabe ang tibok ng puso at abot langit ang kaba ko at hindi lamang iyon mababawasan hangga't hindi ko nakikitang ayos lang si Drake.
Bumungad naman sakin si Drake, nakahiga na siya sa floor at namumutla. Punong puno ng dugo ang uniporme niya at nakahawak siya sa kanan niyang braso. Dahan dahan akong umupo malapit sa gawi niya.
"D-drake..." naiiyak kong sabi. Batid kong unting unti nalang ay tutulo na ang luha ko.
"T-tangina, wag k-kang iiyak, m-malakas ata..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bumulwak ang dugo mula sa braso niya. Marahan pa siyang napaungol. Tumulo na ang luha ko.
Napalingon naman ako sa paligid. Tatayo lang sila dyan? "Oh ano? Tutunganga nalang kayo diyan? Mga bobo, tumawag kayo ng ambulansya!" sa mga panahong ito ay wala na akong pakialam kahit may mga guro pang nakakarinig sakin. Kailangan kong gamitin ang kapangyarihan ng aking mga magulang.
Lumapit naman sakin yung guard. "Ah... Ms. Montero, huminahon h-ho muna kayo, nakatawag naman ho k-kami ng ambulansya."
"Oh tangina, kailan pa yan dadating?! Kapag naubusan na ito ng dugo? Kapag pinagpyepyestahan na siya ng mga langgam?" inis kong sagot dahilan para mapayuko si kuya guard at magulat ang karamihan.
"Ms. Montero! Kahit na malaki ang naiambag ng pamilya niyo sa school as well as the Alvares', you should learn how to respect! They may have smaller position but they are elder than you!"
Sasagutin ko pa sana si Professor Pakialamera kaso naramdaman ko ang kamay ni Drake sa kamay ko. Kahit nahihirapan ay pinilit niyang umiling dahilan para kumalma ako pero nandon parin ang kaba at alala para sakanya.
Pumikit naman ang mata niya dahilan para mataranta ako. "Tss, c-calm down, im n-not dead y-yet."
May dumating naman na tatlong lalaking nakahospital na uniform at inilagay nila si Drake sa stretcher. Nakahinga naman ako ng maluwag.
NAMICHIKO
Ng makita kong dali daling lumabas si Samantha ay sinundan ko siya. Kailangan kong magsorry sakanya.
Aligagang aligaga siya at mukhang natataranta habang tumatakbo patungong rooftop. Anong nangyari?
Ng makarating kami sa rooftop ay dali dali niyang hiniwa yung nagkukumpulang tao para makadaan siya. Ang iba ay masasama ang tingin sakanya, ang iba naman ay inirapan pa siya ngunit tila bang wala pa siyang pakialam at nagpatuloy parin siya. Lumapit naman ako sa nagkukumpulang tao at sumilip.
There i saw, Drake, lying on the floor, his uniform were covered in blood. Nakahawak rin siya sa kanang braso niya at batid kong doon nanggagaling ang mga dugo. "D-drake..." tawag ni Samantha na ngayo'y nakaupo sa harap ni Drake at tila ba'y maiiyak na.
"T-tangina, wag k-kang iiyak, m-malakas ata..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bumulwak ang dugo mula sa braso niya. Marahan pa siyang napaungol.
"Oh ano? Tutunganga nalang kayo diyan? Mga bobo, tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ni Samantha na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahang makikita ko ngayon ang side na ito ni Samantha.
Lumapit naman sakanya yung guard. "Ah... Ms. Montero, huminahon h-ho muna kayo, nakatawag naman ho k-kami ng ambulansya."
"Oh tangina, kailan pa yan dadating?! Kapag naubusan na ito ng dugo? Kapag pinagpyepyestahan na siya ng mga langgam?" banat pa ni Samantha ngunit hindi ko na iyon pinansin. Nabaling ang atensyon ko ngayon sa babaeng nakatanaw ngayon sa malayo. Si Nicole...
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa gawi nila Drake. Ang pinagtataka ko pa, bakit sa malayo pa siya titingin kung pwede namang lumapit siya? Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Ayokong isipin, ayokong isipin na may kinalaman siya sa lahat ng nangyayari.
Napatingin ako sa hawak niya. Parang... baril.
"Ms. Montero! Kahit na malaki ang naiambag ng pamilya niyo sa school as well as the Alvares', you should learn how to respect! They may have smaller position but they are elder than you!"
Marahil ay nakita niya kong nakatingin sakanya kaya mabilis niyang ibinulsa yung hawak niya at tsaka naglakad ng mabilis palayo dahilan para maalarma ako. Hindi ko alam pero kahit ayaw ng isip ko, parang may naguudyok sakin na sundan ko siya.
"Nicole!" tawag ko pero hindi siya lumingon.
"Nicole!" Mas binilisan ko ang takbo ko at ng maabutan ko siya ay pwersahan kong iniharap siya sakin. May nahulog naman mula sa bulsa niya dahilan para magulat ako kung ano yun. Baril nga...
Tiningnan ko siya at kalmado parin siya. Kalmado niya ding pinulot ang baril at inilagay iyon sa sa bulsa niya. Tumalikod naman siya at nagpamulsa, at nagsimulang maglakad. "T-teka!" tawag ko pa dahilan para tumigil siya sa paglalakad ngunit hindi pa rin siya lumilingon.
Napalunok ako bago magsalita. "M-may kinalaman ka b-ba sa mga n-nangyayari?"
Napalingon naman siya at ngumisi dahilan para mapalunok ulit ako. "It's for you to find out." and with that, she left me dumbfounded.
BINABASA MO ANG
Play (UNDER MAJOR EDITING)
Mystery / ThrillerMystery-thriller. "Say, pal, don't you wanna play?"