Chapter 24

85 43 1
                                    

NICOLE

"Game over, Nicole." nakangisi nitong sabi at may kinuhang kung anuman sa bulsa nito, isa iyong pocket knife. Ngingisi ngisi niyang nilarolaro sa kamay niya iyong kutsilyo at tumingin sakin. Mas lalong lumawak ang ngisi nito at walang pagaalinlangang sinaksak ang kanan kong balikat.

Marahan pakong napaungol. Mas lalo pang nadagdagan ang sakit non ng pinaikot ikot niya pa sa loob ng balikat ko ang kutsilyo. Wala na lang akong nagawa kundi ang hihingal hingal na tingnan siya ng masama.

"H-hayop ka..." naghihinang bulong ko pero sapat nayon para marinig niya. Mas lumawak pa ang ngisi nito, yung tipong konti nalang ay mapupunit na ang pisngi nito.

Napasigaw ako ng bigla bigla niyang alisin ang kutsilyo sa balikat ko at labis ang pagkagulat ko ng dinilaan niya ang dugo doon. Tinakpan ko na lamang iyong balikat ko at napapikit dahil sa sakit na idinudulot non. Fuck... I never expect it like this.

Bahagya pa niyang itinaas iyong kutsilyo at akma na sanang sasaksakin iyong binti ko ng biglang bumukas iyong pinto. Sabay kaming napalingon doon at bumungad samin si Luca.

"What the hell?" singhal ni Athena pero parang hindi man lang natinag si Luca.

"Vivien and her family went out of town, and i can't locate them."

"Then try again, idiot!"

"Your computer just broke down." nakakibit balikat na sagot ni Luca dahilan para mapahilamos ng mukha si Athena. Nilingon niya ako at biglang sinaksak iyong binti ko dahilan para mapaungol nanaman ako. Lumabas siya sa kwarto at sumunod naman sakanya si Luca.

"Damn." pabulong kong singhal at binunot iyong pocket knife mula sa binti ko. Saglit pakong napapikit dahil sa sakit pero hindi ko na iyon ininda pa. Maari akong mamatay ngayon, pero nakasalalay ang buhay ng marami sakin at kay Namichiko.

Ginamit ko na ang oportunidad na iyon para kunin ang cellphone ko. Hindi naman iyon naging mahirap at mabilis ko ding nakita iyon. Mabilis kong binuksan ang messages at hinanap ang number ni Namichiko. Habang nagtatype ay hindi ko maiwasang tumingin sa pinto dahil anytime soon ay pwedeng makabalik sila Athena dito.

'St**** *******. Hurry'

NAMICHIKO

'St**** *******. Hurry'

Napatayo ako sa mesa ng matanggap ang mensaheng iyon. Napatingin ako kila mommy na ngayon ay nagtatakang nakatingin sakin. Kumakain kasi kami ngayon, Sabado kasi kaya sabay kaming kumain ngayon.

"What is it, baby?" sabi ni mommy at kita sa mukha niya ang pagaalala.

"I need to go somewhere important." pagkasabi na pagkasabi ko non ay tumaas ako sa kwarto ko at kinuha ang jacket ko doon.

Play (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon