NAMICHIKO
"What do you need?" pasinghal na tanong ni Athena at pabagsak na pinaupo ang sarili. Nagpadekwatro naman siya at ipinakrus ang kanyang mga kamay. Napagpasyahan ko kasing bisitahin si Athena sa kulungan.
"Kamusta yung braso mo?" sabi ko at bahagya pang itinuro iyong braso niyang binaril noong pulis kahapon.
"None of your bussiness." parang naiinip niyang tanong. "Just get to the point already."
Nagpakawala muna ako ng buntong hininga tsaka inilapag sa table iyong sulat ko para kay mommy. "Anong gagawin ko dyan?"
"You and mommy share the same cell, right?" tanong ko dahilan para taasan niya ako ng kilay. "I want you to give this to her for me. Please."
"Why don't you give it to her, yourself?"
"I don't think I can talk to her when that just happened."
"At kaya mo kong kausapin when that just happened?" natatawa niyang sabi at umiling iling. "You're pathetic" bahagya pa siyang natigilan ng makitang seryoso ako. Suminghal siya. "Fine, just... leave me alone."
"Thank you..."
"No problem."
"No, I wasn't talking about that." natatawa kong sabi dahilan para kunot noo niya akong tingnan. "Thank you for befriending me."
"It was all part of the..."
"Thank you for befriending me, kahit pa para iyon sa plano mo." sabi ko, nagsimula ng mamasa ang mga mata ko. Yumuko ako para hindi niya makita ang mga luhang bumabadyang tumulo sa mga mata ko. "Kahit papaano, naramdaman kong nagkaroon talaga ako ng kaibigan."
Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ngunit agad ko din iyong pinunasan. Marahan pakong tumawa. "Aalis nako, pakibigay yan kay mommy, ah?" tumayo na ako at tumalikod. Maglalakad na sana ako ng marinig kong tinawag ako ni Athena.
ATHENA
"Namichiko!" tawag ko sakanya at tumayo mula sa pagkakaupo. Ng lumingon siya ay agad ko siyang niyakap. "Salamat din..."
"Thank you for coming, now i'll be able to finish what your mother has started." bulong ko sakanya at inilabas ang kutsilyo sa bulsa ko, walang pakialam kung sino ang nakakakita. "Game over, Namichiko." kakawala sana siya sa yakap ngunit huli na ang lahat.
Nasaksak ko na ang kutsilyo sakanya. Nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ni Sabina.
END.
BINABASA MO ANG
Play (UNDER MAJOR EDITING)
Mystery / ThrillerMystery-thriller. "Say, pal, don't you wanna play?"