Chapter 25

84 39 0
                                    

NICOLE

Nakahinga naman ako ng maluwag ng mabasa niya iyong message. Ibabalik ko na sana iyong cellphone sa bulsa ko kaso may kumuha dito. Pagangat ko ng tingin ay nagulat ako ng bumungad sakin si Athena, nasa likod naman niya si Luca. Damn, kailan pa sila nakabalik?

Ngumisi siya at bumaling kay Luca. "Maghintay ka sa may gate, may bisita tayo."

NAMICHIKO

Narinig ko pang tinawag ako nila mommy pero hindi ko na sila pinansin pa. Malakas ang kutob ko, malakas ang kutob ko na may mangyayaring hindi maganda.

Nagpara nako ng tricycle, malapit rin naman kasi iyong address na iyon mula samin. Kinuha ko iyong cellphone ko at iyong number card na binigay sakin nung pulis kahapon, tsaka ko tinext ang number na nandun.

'This is Namichiko, the girl from yesterday. Go to St**** *******, 1 hour after you receive this message.'

Napabuntong hininga ako at tsaka ibinalik sa bulsa ko iyong cellphone at card. Ilang minuto lang ay nakarating na agad kami don sa address. Nasa tapat ko ngayon ang isang lumang gusali.

Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang pumasok ngunit pagkatapak na pagkatapak ko palang sa gate nito ay nakaramdam ako ng pagpalo sa ulo ko. Napadapa naman ako sa sahig. Masyadong malakas ang pagkapalo sa ulo ko dahilan para makaramdam ako ng matinding hilo.

Naramdaman kong may bumuhat sakin, gustuhin ko mang kumawala ay nanghihina talaga ako't nahihilo. I was barely awake that time, pero nakilala ko kung sino itong bumuhat sakin. Si... Luca. Pero ano naman ang ginagawa niya dito?

Play (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon