CHAPTER 3

35.9K 1K 75
                                    

CHAPTER 3








KANINA pa ako nakakaramdam ng pares ng matang nakatitig sa akin habang nag-aagiw ng kisame ng bahay na tutuluyan nila.








"Ate, tignan mo 'to." Wika ni Niño sabay pakita sa akin ng screen ng cellphone niya.







Nakita ko yung bagong upload na video ni Bright kasama sila Mari at Josefina sa Tiktok na sumasayaw ng My heart went oops.







Halos gusto kong sabunutan si Bright nang makita ang bukol bukol niyang katawan. Kahit kase na binabae si Bright ay hindi niya pinapalagpas ang limang beses sa gym kada linggo.







Double purpose raw kase, gaganda na ang katawan niya, makakakita pa siya ng mga poging macho sa gym. Dagdag mo pa yung instructor niya na may ipagmamalaki rin ang katawan.







Siguro nga kung straight si Bright ay sa kanya na lang ako magpapabuntis para manahimik na sila mamang at papang.






Gwapo rin naman si Bright at 'di mo mapagkakamalang binabae dahil panglalaki pa rin ang porma. Basta 'wag mo lang pagsasalitain at dadalhin sa bar dahil panigurado, mang hahamon ng pagalingang mag-twerk 'yon kapag may tama na.






"Gawin mo rin 'yan, ate. Tapos send mo kay kuya Benji." Suwestyon ni Niño.







Agad ko siyang pinukpok ng walis sa ulo.







"Maglinis ka 'dyan, 'di puro Tiktok inaatupag mo." Suway ko. Sasagot pa sana siya nang makarinig kami ng tikhim mula sa pangahas at prenteng nakaupo sa sofa sa sala ng bahay.







Sinamaan na lamang ako ng tingin ni Niño at pagkatapos ay agad na bumalik sa pagwawalis.







"Ate, ginaya ng mga kaklase kong babae yung dance cover niyo nila kuya Bright. Ang panget sumayaw, walang binatbat sa'yo, ate." Pambobola ni Niño sa akin.







"Tigilan mo 'ko, Niño. Alam ko galawan mo, maglinis ka 'dyan." Tugon ko. Humaba ang nguso niya at sinimangutan ako.







"Hey, kid." Sabay kaming napalingon ni Niño nang marinig ang magaspang na boses na nagsalita mula sa sofa.







"Go outside," Utos ni Doc sa kanya.







Otomatikong umangat ang kilay ko sa sinabi niya ngunit si Niño ay malapad ang ngiting tumango, mabilis na binagsak ang walis at nagtatakbo palabas ng bahay na tutuluyan nila.







"Bakit mo pinalabas? Edi wala na 'kong katulong sa paglilinis, Doc." Wika ko.







Huminga siya ng malalim pagkatapos ay prenteng isinandal ang likod sa backrest at magkapatong na inilagay ang paa sa ibabaw ng center table.







"I'm giving a free check ups." Nakangising aniya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay binasa ang pang-ibabang labi.







Agad na kumunot ang noo ko, "Wala naman akong sakit." Tugon ko.






"But you're aching." Aniya, mas lalong akong naguluhan sa sinabi niya.






Nakakaintindi naman ako ng ingles dahil nakapagtapos naman ako ng highschool.






"Huh?" Naguguluhang tanong ko.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon