CHAPTER 12

29.2K 753 34
                                    

CHAPTER 12






"BAKS, tumaba ka ata?" Bungad ni Maribelle nang sunduin nila ako sa labas ng club na pina-reserved ni sir Kyle para sa welcome back party ko.





"Gaga, 'di na nga ko kumakain sa bahay paano ako tataba?" Pinisil-pisil ko pa ang ilalim ng aking braso para salatin kung may taba pero wala naman.





"Seryoso, Baks. Laki ng tinaba mo," wika naman ni Josefina.






Agad ko silang ginawaran ng tag-iisang kaltok sa ulo, sinamaan nila ako ng tingin. "Bilisan mo na nga, nag-iintay na buong team sa'yo." Ani Bright at nauna nang pumasok sa club.






Nasa entrance pa lang kami ay halos masamid na ako sa sobrang kapal ng usok na nanggagaling sa mga smoke maker machine na nasa bawat sulok ng malaking club.






Ang nakakasilaw na ilaw na nakadilit sa mataas na ceiling ng club ay tumatama sa aking mata kaya bahagya akong napapapikit sa sobrang pagkasilaw.






Ang bawat ritmo ng malakas na musika ay sinasabayan ng ingay ng dagat ng mga taong walang sawang umiindak at nagsasayaw kahit wala sa dance floor.






Bahagya pa akong natawa nang makita ang isang babaeng nagtu-twerk sa gitna ng dance floor habang napapalibutan ng mga tao mapa-babae man o lalaki. Sinisigawan siya ng mga ito na mas gumiling pa.






Kinurot ko ang tagiliran ni Bright, "Baks, hamunin mo nga 'yan." Panunudyo ko. Ngumisi siya sa akin, "Mamaya, Baks, wawagwagin ko 'yan." Aniya.






Natawa kaming apat at napailing, "Tara na nga," Aya ni Josefina.






Sumakay kaming elevator papunta sa mga VIP rooms ng club, nang makarating sa floor ay namangha ako. Ang ganda ng motif at disenyo ng hallway, demonic theme. Pinaghalong pula at itim ang sasalubong sa mata ng kung sinong magtutungo dito, at ang bawat disenyong nakasabit sa dingding ay talagang nakakapangilabot.






Agad naming tinungo ang pangalawang sa huling kwarto sa buong hallway, pagbukas ng double doors ay unang bumungad ang maingay na musika at nakakapanghina ng tuhod na usok, bagamat mabango naman sa pang-amoy ay hindi pa rin mawawala ang nakakaubo nitong sanhi.






"Welcome back!" Halos mapitlag ako sa lakas ng sigaw ng mga tao sa loob, kahit nag-iisa ang kanilang mga boses ay ganoon pa rin at pamilyar ang kanilang mga tinig.






Bumungad sa akin ang mga nakangiting mukha ng buong team namin, nasa kinseng tao ang nasa loob kasama na si sir Kyle na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa habang nakangiti sa akin.






Kung sa tutuusin ay ang gwapo niyang tignan sa suot niyang long sleeve polo na kulay asul, bahagya pang nakabukas ang una at pangalawang butones nito kaya mas nagmukha siyang leader ng sanggano.






"Hi, boss!" Bati ko sa kanya. Nginitian ko ang mga kasamahan namin na bumabati sa akin ng welcome back.






"Welcome back, Ms. Dela Torre," Nakangiting bati sa akin ni boss.






Hindi napawi ang ngiti ko sa kanya, "Thank you, boss." Tugon ko.






"I asked your friends to organize this party for you, I heard that you're planning to renew your contract next week so it's a double celebration." Nakangiting paliwanag niya.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon