CHAPTER 8

33.2K 1.1K 110
                                    

CHAPTER 8



"ARAY!" Nakangiwi ako nang dampian niya ng bulak na may betadine ang malaking galos sa aking binti.


Sinamaan niya ako ng tingin, "Stop moving, you'll hurt yourself more." Aniya.


Tinikom ko ang aking bibig at tinignan siya, hinahaplos ng kalisang kamaya niya ang binti kong nakapatong sa kanyang hita, samantalang ang kanang kamay niya naman ay nililinis ang sugat ko.


"Bakit hindi alcohol ang nilalagay mo, Doc?" Tanong ko.


Nanatili ang kanyang paningin sa mga galos ko, "You'll end up burning the tissue on your skin and can make the healing slow. It is better if I can only rinse it with water but since you were dragged in a dirty surface, this will do." Aniya sabay diin ng dampi ng bulak sa aking galos.





Agad akong napangiwi.




"Aray naman!" Wika ko.




Tumawa lamang siya at pinagpatuloy ang paglinis ng sugat ko, "You know.." Tinignan ko siya nang marinig siyang magsalita.




"You can ask for my help if you need it." Aniya, napakunot ang noo ko.




"Alam mo ikaw, paladesisyon ka. Paano mo nalamang kailangan ko ng tulong mo?" Pag-uusisa ko, umangat ang sulok ng kanyang labi at pinakatitigan ako.




"You'll need my help, I can sense that." Tugon niya.




Kumunot ang aking noo at sinalubong ang tingin niyang parang siguradong-sigurado sa mga sinasabi niya.




"At sa paanong paraan?"




"Imagine, your boyfriend will know soon that you're not really pregnant. Then the wedding will happen, you will be tie into someone you not really love." Paliwanag niya, agad na nanlaki ang aking mata nang dahil sa sinabi niya.




"P-Paano mo nalaman?" Tanong ko.




Ngumisi siya, "I always have my ways if I want to, little girl." Aniya.




Kumunot ang aking noo, "Little girl? Mukha ba akong maliit sa'yo? Ibig kong sabihin, maliit talaga ako pero mukha ba akong bata sa'yo?" Manghang tanong ko, tumawa niyang muli ngunit sa pagkakataon na 'to ay lumabas ang malalim na dimple sa kanyang pisnge.




Napatunganga ako, ang seryoso ng kanyang ekspresyon habang tumatawa na nagtutunog sarkastiko sa tuwing naririnig ko.




"Actually, I really like to call you baby. But I'm planning to put that thing in your womb so it's a big no. You're not my baby, more like, the mother of my future baby." Dire-diretso at walang pag-aalinlangan niyang pagtatapat.




Napanganga ako at napakakurap-kurap sa sinabi niya, "S-Seryoso ka 'dyan?" Tanong ko.




Nawala ang ngiti sa kanyang labi at nagsalubong ang makapal niyang kilay, "Dead serious." Aniya.




Saglit akong nag-isip, tama siya. Sa oras na malaman ni Benji at ng pamilya niya na hindi totoong buntis ako ay paniguradong kung hindi niya kami ipapapatay buong mag-anak ay papahirapan naman. May kaya ang pamilya niya dahil bise sa pagka-mayor ang lolo niya kasunod ni Don Ruel.




Hindi man kapantay ng yaman ng mga Fortalleje ang kanilang yaman ay sapat na para pahirapan kami at pagapangin sa pagdurusa.




"B-Baka madamay ka..." Nag-aalalang wika ko.




PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon