CHAPTER 22

29K 860 172
                                    

CHAPTER 22




"GOOD MORNING, Dr. Zalduque." Nginingitian ko ang lahat ng bumabati na mga nurse kay Maximo ngunit siya ay hindi man lang sumusulyap dito kahit isang segundong tingin.







Nasa akin ang kanyang atensyon habang ang kamay niya ay nakapalibot sa aking bewang, sabay kaming naglalakad sa hallway ng hospital patungo sa kanyang opisina.






Naiilang ko siyang siniko sa tagiliran nang mailang sa kanyang titig na binibigay sa akin.







"Tumingin ka nga sa daan, baka matisod ka." Suway ko, tumawa siya at napailing.






Nang makarating kami sa opisina niya ay halos pamulahan ako ng mukha ng may maalala.






Dito kami unang nagkita noon.






"Sit on the sofa, while I'm working." Utos niya sabay turo ng sofa na nasa gitna, tumango ako at nagtungo roon.






Naupo ako sa sofa at inilibot ang aking paningin, "What do you want to eat for breakfast?" Tanong niya sa akin nang makaupo siya sa kanyang swivel chair.






Nag-isip ako ng masarap na kainin, "Mango graham cak——" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay pinigil na niya ako.






"No, that's not a breakfast." Tugon niya. Napasibangot ako at nag-isip muli ng bago.






"Mango pie——"






"It's six in the morning, Larisa. Sasakit ang tyan mo kapag kumain ka ng mangga," Aniya.






"Ang gulo mong kausap, tinatanong mo 'ko kung anong gusto kong almusal tapos kapag nag-suggest naman ako ay sasabihin mong bawal. Kumausap ka ng bali——"






"I'm asking for a freaking sensible breakfast. Oh God," Sinapo niya ang kanyang noo na parang sumasakit ang kanyang ulo sa pagkausap sa akin.






"Bahala ka, kung anong sa'yo, yun na lang din ang akin." Tugon ko at pinagkrus ang aking braso sa dibdib.






Inabala ko ang aking sarili sa mga babasahin na nasa center table na puro mga pag-aaral sa parte ng puso.







Maya-maya pa ay pumasok ang isang babae na nurse sa opisina at ngumiti sa akin bago nagtungo sa harap ng table ni Max.






"Bakit niyo po ako pinatawag, Doc?" Tanong ng nurse kay Max.







"Did you finish roaming around the second floor?" Tanong niya rito.






Agad na tumango ang nurse at ibinigay kay Max ang tablet na hawak niya, "Nandyan na po lahat ng current state ng mga pasyente, Doc. Naitawag ko na rin po sa Neurosurgery Department yung reklamo ng patient sa ward seven sa seventeenth floor." Paliwanag ng nurse kay Max.






"Good, buy a breakfast for two. Anything will do," utos ni Maximo sa nurse na agad naman akong nilingon.






"Para sa inyo ni Ma'am, Doc?" Tanong nito.






Agad siyang sinamaan ng tingin ni Max, "Since when I let you ask question?" Tanong nito sa kanya.






Tumawa ang nurse at agad na humingi ng tawag, "Sorry, Doc. Curious lang po," Tugon nito at agad na nagtungo sa pintuan.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon