WAKAS

31.3K 959 116
                                    

A/N: This is it, hehe. April 5 simula ng matripan kong isulat si Luther hehe, eksaktong apat na buwan na pala.

WAKAS






NATATAWA ako habang pinagmamasdan ang magandang tanawin ng dagat habang nasa upper deck kami ng cruise ship.






Kakaunti lamang ang tao dahil VIP ang Disney Cruise Ship na sinakyan namin.






"Dad, why do other kids love this kind of boring things?" Rinig kong tanong ni Nicholai habang pinagmamasdan ang mga naka-costume ng Disney characters.






Madaming mga bata ang nakapalibot sa mga ito ngunit ang dalawang anak namin ay tila iritang-irita dahil hindi sanay sa maraming tao.






"Dad, let's go back to our room." Pag-aaya ni Lucifer habang inililibot ang paningin sa mga bata.






Akmang papayag si Maximo nang unahan ko siya, "No, kids. You should learn how to socialize, hindi habang buhay ay nandito kami ng dad niyo para gabayan kayo. Learn to enjoy things while you're young." Pangaral ko sa kanila.






Nagbuntong hininga ang dalawa at pagkatapos ay bagsak ang balikat na naupo sa upuan na nababalutan ng tela.






"Ma'am, sir, family photo?" Tanong ng isang lalaki na mukhang photographer. May kasama siyang dalawang naka-costume ng Mickey Mouse at Minnie Mouse.






"Yeah, sure." Tugon ko.






Tinawag ko si Nicholai at Lucifer upang mag-picture kaming apat.






Buhat-buhat ni Maximo si Lucifer samantalang nasa gitna naming dalawa si Nicholai na halatang pilit ang ngiti.






Nasa dalawang gilid namin si Mickey at Minnie Mouse at nakaakbay pa.






"One, two, three, say Disney!" Nakangiti kaming lahat at pagkatapos ay ipinakita pa sa amin ng photographer ang aming kuha. Nilista namin ang room number at pangalan namin dahil dadalhin na lang raw ang lahat ng shots doon.






Nang kami na lamang uli ay halos manlaki ang aking mata nang makita ang pamilyar na pigura ng isang lalaki habang nakaakbay sa isang balingkinitang babae.






"Boss?" Tawag pansin ko.






Napalingon ang dalawa at halos manlaki ang aking mata nang tama nga.






"Pilar," wika niya.






Nakipagkamay ako dahil hindi pwedeng yakap at mas lalong hindi pwedeng beso. Baka bigla akong ikulong ni Maximo sa kwarto.






"Long time no see, boss.." nakangiting komento ko.






Ngumiti siya at pagkatapos ay pinakilala ang kanyang babae na katabi na asawa pala niya.






"Baby, this is Pilar Dela–—" agad ko siyang pinutol.






"Zalduque na, boss." Pagtatama ko.






Sabay kaming natawa bago napakamot sa ulo.






"Oh, I forgot. She's Pilar Zalduque, one of my best dancer before but she stopped. Pilar, this is Lovely. She's my wife." Pakilala ni Boss sa kanya.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon