CHAPTER 31

24.3K 666 160
                                    

CHAPTER 31




BUMUNTONG HININGA ako nang makapasok ako sa opisina ni Maximo dito sa hospital.






Kasunod ko lamang siya hanggang sa makaupo ako sa sofa.






"You don't have to tell me now, don't force yourself." aniya.







Umiling ako, "Hindi, kailangan mo na 'tong malaman dahil parte ka na ng buhay ko at pamilya na ang turing sa'yo ni Niño." Tugon ko.






Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at paghalik niya sa aking noo, "It's fine, I can wait until you're ready to tell me everythi——"






Umiling ako, "Hindi ko kapatid si Niño." Panimula ko.





Saglit siyang natigilan ngunit nakabawi rin ng ulirat, "Pamangkin ko siya mula sa ate ko, kay ate Lara." Dugtong ko pa.





"Ibig sabihin, hindi ikaw ang panganay?" Tanong niya sa akin.






Umiling ako, "Labing-dalawa pa lang ako noon at labing-walo naman si ate nang malaman kong buntis siya kay Niño. Noong una ay sobrang galit ni papang at mamang, pinadala siya sa maynila para mag-aral at makatulong pero pag-uwi niya ay buntis na siya at ang malala ay tinakbuhan pa siya ng lalaking nakabuntis sa kanya." Pagkukwento ko habang nakatingin sa sahig kaya hindi ko makita ang reaksyon ni Maximo.





"Inalagaan siya nila papang at mamang at tinuring na parang wala lang sa sakanila ang ginawang katarantaduhan ni ate noon. Pero ako, kahit kailan ay hinding-hindi ko nakalimutan 'yon. Nang dahil sa pag-aaral niya, nagkabaon-baon sa utang sila papang. Nang dahil sa kanya, napilitan akong tumigil sa pag-aaral." Pinigilan kong pumatak ang luha sa aking mata na nagbabadyang bumuhos.




"Pero nagpabuntis siya, hindi niya kami naisip, kami na pamilya niya. Pagkatapos niyang manganak ay ang akala ko ay tutuwid na ang utak niya pero nagkamali ako. Iniwan niya sa amin si Niño nang hindi man lang nagpaalam, tanging sulat lang ang iniwan niya na nagsasabi na babalik siyang maynila para habulin ang lalaking nakabuntis sa kanya. Tangina niya, ang kapal ng mukha niya." Tinakpan ko ang aking mukha habang hindi na napigilan ang paghagulgol.




"Anong nagawa kong kasalanan para magkaroon ng walang kwentang kapatid na kagaya niya?" Bulong ko pa.




"Simula noon, pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko kakailanganin ang tulong niya. Dahil wala siyang kwentang kapatid, wala siyang kwentang anak at mas lalong wala siyang kwentang ina kay Niño. Hinding-hindi ako magmamakaawa sa kanya..." May kumpyansang wika ko.




Naramdaman ko ang paghagod niya sa aking likod kaya kahit papaano ay kumalma ako.




"Give me her name, I'll be the one who will find her. If I need to be down on my knees just to convince her to help your brother, I will." Aniya.




Tumingin ako sa kanya ngunit pinahid niya ang luha sa aking pisnge at hinalikan ang aking noo pagkatapos.




"I'm willing to do the things that you can't do, I'm more than willing to be hurt than to see you hurting." Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa aking mukha at inipit sa aking tainga.





"Maximo..." Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.





"S-Salamat.." Wika ko.





Niyakap niya rin ako pabalik.





"Ang pangalan ng ate ko," Saglit akong nag-isip upang alalahanin ang buong pangalan ni ate Lara.





PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon