CHAPTER 34

26.4K 742 300
                                    

CHAPTER 34




"LARISA, please eat up..." Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Maximo sa aking likod ngunit hindi ko ito pinansin.





"If you stay miserable like this, I don't know what I would do. I will lose myself so please, Larisa, let's eat. It's not good for our baby if you keep on insisting to eat." Pamimilit niya, bumuntong hininga ako at naupo sa kama.





Magkatapat na kami ngayon ngunit ako ay nanatiling nakayuko at nakatingin sa sahig samantalang ramdam na ramdam ko naman ang kanyang mainit na pagtitig sa aking mukha na parang may mali.





"Nangayayat ka." Puna niya. Nag-angat ako ng tingin at inangat ang aking braso para tignan kung totoo ang sinabi niya.





Pinakatitigan ko ang aking braso at mas lalong napabuntong hininga nang makitang tama nga siya. Ang laki ng pinayat ko kumpara sa dati kong katawan noong una kaming nagkita.





"You look miserable," komento niya.





Unti-unting pumatak ang luha sa aking mata, wala akong maramdamang kahit anong emosyon ngunit ang luha ko ay tila hindi nauubos at hindi napapagod sa pagtulo.





Titingin sana muli ako sa sahig nang dumapo ang kanyang kamay sa aking baba at inangat ang aking ulo upang magtama ang aming paningin.





"But why do you still look beautiful in my eyes?" Dugtong na tanong niya.





'Di makapaniwala ko siyang tinignan, "A-Ano?" Tanong ko kahit narinig ko naman at klaro sa akin ang sinabi niya.





Bahagya siyang tumawa at pinisil ang tungki ng aking ilong.





"Ano bang pinakain mo sa akin at ganito ang reaksyon ko kapag nakikita kita?" Tanong niyang muli kaya naguguluhang tingin ang pinukol ko sa kanya.





"A-Ano bang sinasabi mo?" Saad ko.





Ngumiti siya at walang sabing niyakap ako.





"Kahit ang itim ng ilalim ng mata mo, kahit ang laki ng pinayat mo at kahit ilang araw ka ng hindi naliligo..." naramdaman ko ang pag-iling niya habang ang dalawa niyang braso ay mahigpit na nakayakap sa akin.





"Wala pa ring kapantay ang ganda mo para sa akin. Kaya nagtataka ako, kung bakit ganito ang nararamdaman ko.." Aniya, agad na umangat ang aking kilay nang dahil sa sinabi niya.





"Sinasabi mo bang ginayuma kita?" Paos ang aking boses dahil sa walang tigil na pag-iyak sa loob ng ilang araw.





Narinig ko ang ksnyang pagtawa, "No, I'm wondering why I fell deeply in love with you. It's just, you're not even my type in the first place but you still manage to make me fall. Deeply fall that if ever you try to leave me, I don't know how to get up again..." sinubukan kong kumalas sa pagkakayakap niya sa akin ngunit hindi niya ako hinayaan.





"Everytime you refused to eat, I feel worthless. I don't know how to bring my wife back again, it makes me want to hurt myself for making you feel this way." Nanlaki ang aking mata nang may naramdaman akong pagkabasa ng aking balikat.





"M-Maximo..." Mahinang tawag ko sa kanyang pangalan.





Umiiyak siya?





"You've lost Niño because I didn't took it seriously, I was too proud that the hospital can treat him well that's why I didn't focus on finding the right match for him. You've lost him without me by your side, I should be the one who stand next to you that time..." Hinagod ko ang kanyang likod upang sabihing hindi ko siya sinisisi.





PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon