CHAPTER 10

34.5K 925 115
                                    

CHAPTER 10







"ANNA!" Pinakatitigan kong maigi  ang bulto ng isang babae sa 'di kalayuan, sa may labas ng bahay nila kung saan gaganapin ang kaarawan nila Caramel, Vanilla at Sweet.






Lumingon siya at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang kabuuan niya. Ang laki ng pinagbago niya, bukod sa flat niyang dibdib noon na bahagyang lumubo ng kaunti ngayon ay ang makinis at morena niyang balat na kumikinang dahil sa kaunting pawis sa kanyang mukha.






Napaawang ang labi niya nang makita ako, "Pilar?"






Pinakatitigan niya muna ako at nang makasiguradong ako nga ang kaharap niya ay bigla siyang tumili, "Ikaw nga, tangina ka!" Sigaw niya at mabilis na tinakbo ang aming pagitan.






Mahigpit niya akong niyakap at pinanggigilan sa sobrang higpit. Kinikilatis niya ang balat at mukha ko.






"Ang laki ng pinuti mo, ang ganda mo na." Papuri niya habang bahagya pang pinisil ang braso ko.






Napahagikgik ako sa ginawa niya, "Maliit na bagay, Joanna." Tugon ko sa maarteng paraan. Bahagya kong hinawi ang aking buhok na sumasagabal sa dibdib ko.






Natawa siya, "Kumusta ka? Wala akong naging balita sa'yo noong nag-Maynila ka ah?" Pangangamusta ko, bigla siyang napasibangot at ngumuso kaya napakunot ang noo ko sa pagtatakha.






"Nako stressable sa Maynila, Ghorl. Mahihilo ka na sa dami ng problema, mahihilo ka pa sa katabi mo sa jeep." Pagsusumbong niya, gusto kong tumawa dahil wala siyang kaalam-alam na nag-Maynila rin ako ng isang taon para sa kontrata ko sa Dance Studio.






"Ikaw, loka-loka? Kumusta buhay probinsyana?" Pag-uusisa niya habang nakatingin pa rin sa akin.






Napanguso ako dahil doon, "Galing ako doon noong nakaraang buwan, bumisita ako sa doktor." Pagkukwento ko sa kanya.






Nalukot ang kanyang mukha nang marinig ang sinabi ko, "Bakit?"






"Kapag hindi pa raw ako nanganak bago mag-twenty-five, magiging infertile raw ako." Nakangusong wika ko.






"Anong plano mo? Mag-aasawa ka na?" Tanong niya, agad ko siyang sinamaan ng tingin.






"Gaga, ayaw ko pa." Tugon ko, ayaw ko pa naman talaga. At isa pa, hindi naman sure kung mabubuntis ako sa unang beses na ginawa namin 'yon ni Doc.






Isa pa ang bwisit na 'yon, pagkatapos ng nangyari sa amin ay umalis kinabukasan dahil may aasikasuhin raw siyang mahalagang bagay.






Kinuha niya ang number ko upang ma-contact ako ngunit mag-iisang linggo na ngayon simula ng umalis siya ay kahit isang tawag o text man lang ay wala akong natanggap.






"Ano ngang plano mo?" Pag-ulit niya, napairap ako.






"Baka maghanap na lang ako ng lalaking bubuntis sa aki——Aww!" Napahawak ako sa batok ko nang makatanggap ako ng kaltok mula sa kanya.






"Dalagang Pilipina, ghorl. Sayang 'yang pangalan mo kung 'di ka isa." Aniya at sinamaan ako ng tingin.






Mabuti nang hindi niya alam ang tungkol kay Doc, baka mamaya ay madamay pa siya kapag kumilos na ang pamilya nila Benji kapag nalaman nila ang totoo.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon