CHAPTER 7

34.2K 1K 185
                                    

CHAPTER 7







"UHM, D-Doc..." Tawag pansin ko kay Doc nang mapansing pababa na siya ng sasakyan nanh makauwi kami.





Sinakto kong nakababa na sila Niño at kaming dalawa na lang ang nasa loob ng sasakyan upang makausap ko siya ng personal at masinsinan.





Tinignan naman niya ako na parang alam na niyang gagawin ko ang ginawa ko.





"Hmm?" Tanong niya.





"A-Ano, y-yung tungkol kase kanina..." Naiilang na wika ko at pilit na iniiwas ang aking paningin.





Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa kaya napalingon ako sa kanya ng may pagtataka.





"Bakit ka t-tumatawa?" Tanong ko.





Ngumisi siya at pinalig ang ulo sa akin, sumandal siya sa backseat ng driver's seat at tinignan ako ng mariin.





"Don't worry, it's okay. What you did was like a favor to me." Napakurap-kurap ako nang marinig ang sinabi niya.





Tinambol ng malakas ang dibdib ko dahil sa salitang lumabas sa bibig niya, hindi siya mukhang nagbibiro dahil kahit nakangisi ay bakas pa rin ang kaseryosohan sa kanyang mukha na mukhang permanente na ata sa kanya.





Tila ba kahit puno ng galak at tuwa ang ekspresyon niya ay magmumukha pa rin siyang seryoso dahil sa iilang features ng mukha tulad ng makapal at tuwid niyang kilay, ang mahaba niyang pilik mata na halos talunin pa ang akin, ang kanyang matangos na ilong at ang labi niyang manipis ngunit daig pa ang pinahiran ng lip balm sa sobrang tingkad dahil sa kanina pa niya binabasa.





"A-Ano?" 'Di makapaniwalang tanong ko.





Tumawa siyang muli at inangat ang kamay upang hawiin ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa aking mukha. Inipit niya 'yon sa likod ng aking tenga.





"Why are you stuttering?" Balik tanong niya.





Suminghap ako ng hangin at sinalubong ang tingin niyang kanina pa humahagod sa buong pagkatao ko, "Kase n-naiilang ako sa'yo! Kapag titingin ka sa akin ay para mo 'kong sasakmalin ng buo." Pagtatapat ko, muli siyang tumawa at hinablot ang aking kamay.





Naguguluhan ko siyang tinignan, "Anong gagawin ko sa kamay ko?" Tanong ko.





Hindi niya ako pinansin at pagkatapos ay may kinuhang kung anong garapon sa compartment ng sasakyan.





Nagulat ako nang bigla niyang ibuhos ang laman ng garapon sa aking kamay, "You held her hair for almost a minute," aniya at minasahe ang dalawang palad ko na may alcohol.





"Ano ngayon?"





"You can get bacteria by getting in contact with dirty people. You should sanitize." Aniya, kahit diretso at matigas na ingles ang gamit niya ay malinaw na rumihistro ang kanyang sinabi sa aking utak.





"Tinawag mo bang maruming tao si Jamilla?" Tanong ko.





Narinig ko ang kanyang pagsinghap, "And annoying too." Dugtong pa niya.





Muntikan na akong matawa ngunit pinigilan ko ang aking sarili. "Hindi ka rin judgemental e, 'no?" Wika ko.





Bahagya muli siyang tumawa at tumitig ng mariin sa aking mata, "Pero kung sabagay, totoo naman. Inahas niya ang dating boyfriend ni Joanna na pinsan pa niya." Pagku-kwento ko, kumunot ang kanyang noo.





PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon