CHAPTER 32

24.5K 669 67
                                    

CHAPTER 32




"HALIKA!" Mahigpit ko siyang hinawakan sa kanyang pulsuhan at akmang hihilahin palabas nang opisina nang pigilan niya ako.




"Saan mo ko dadalhin?" Tanong niya habang patuloy na binabawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko.



"Pupunta tayo kila mamang! Ikaw ang magsabi sa kanila ng totoo, mabuti na ring makita mo ang kalagayan ng anak mo!" Tugon ko at nagpatuloy muli sa paglalakad.



Nagmamatigas siya at pilit na nagpapabigat para bumagal ang paghaltak ko. Pinpigilan naman ako ni Jedesviah at ang lalaking doktor na nagbukas kanina ng pintuan.



"L-Larisa, huwag..." pagmamakaawa niya.




Umiling ako at tinignan siya ng may pagmamakaawa, "Ate, hindi ka ba naaawa sa amin? Kay mamang o kay papang? O kahit kay Niño na lang, ate..." Tinignan ko siya ng may pagmamakaawa.




Nakita kong nag-iwas siya ng tingin, mariin akong pumikit at dahan-dahang lumuhod sa kanyang harapan.




Nanlaki ang kanyang mata at dali-dali akong pilit na pinatayo ngunit hinawi ko ang kanyang kamay.




"Nangako ako na hinding-hindi ako magmamakaawa sa'yo, na kahit anong rason, hinding-hindi mo ako makikitang luluhod sa harapan mo." Nakayuko ako at hindi ininda ang tingin niya sa akin na parang naaawa at nakokonsensya.




"Pero kung sino Niño na ang usapan, hindi ako magdadalawang isip na baliin ang pangako ko. Kung kailangang lumuhod ako at magmakaawa sa'yo para lang tulungan mo si Niño, gagawin ko. Handa kong gawin kahit ikababa pa ng pagkatao ko." Bagsak ang aking balikat at nanlulumong nakatingin sa sahig.




"Ganoon kahalaga sa akin yung batang inabanduna mo, yung batang iniwan mo para sa pansarili mong kaligayahan. Kung kaya ko lang ibigay yung buhay ko ngayon mismo, gagawin ko pero hindi. Tao lang ako, ate. Pagod na pagod na akong punan lahat ng pagkukulang mo." Wika ko.




Kahit gaano kalamig ang buong hallway ay ramdam na ramdam ko ang init ng aking luha na walang tigil na lumalandas sa aking pisnge.




"Kung pwede, gusto ko namang isipin yung sarili ko ngayon. Gusto ko namang unahin yung sarili ko, kaya kahit sana sa huling pagkakataon, tulungan mo naman akong sumaya. Kahit si Niño na lang, ate... Siya na lang ang isipin mo." Dugtong ko pa.




Hindi ko ininda kung magmumukha akonv makasarili sa paningin niya, ang tanging nasa isip ko lang ay kung paano ko siya mapapapayag na magtungo sa kwarto ni Niño para magpaliwanag mismo kila mamang at papang.




Buong lakas niya akong tinayo at sinalubong ang aking tingin, inangat niya ang aking mukha kaya nakita ko rin kung gaano karaming luha ang bumuhos mula sa kanyang mata.




Namumugto ito at namumula.




"Patawarin mo si ate, bunso..." Aniya habang pinapahid ang aking luha sa pisnge.




"Patawarin mo na si ate, hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa'yo, patawarin mo ako...." paghingi niya ng tawad.




"Hindi ko alam na malaki ang magiging epekto sa'yo ng pag-alis ko. Hindi ko alam ang lahat ng pinagdaanan mo, patawarin mo 'ko..." Wika niya.




Niyakap niya ako ng mahigpit, sa mga panahon na 'yon ay muling bumalik sa alaala ko ang mga panahon na magkasama kami ni ate noon sa probinsya.




PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon