CHAPTER 23

27.2K 700 88
                                    

CHAPTER 23







NANG makaalis si kuya Lazarus ay yumakap ako kay Maximo ng mahigpit.







"Si A-Amber..." Humagulgol ako sa kanyang dibdib.







Kahit na saglit na panahon lamang kaming nagkasama ay napalagay na ang loob ko sa bata na 'yon.







Hindi ko alam kung bakit, sa paanong paraan nangyari 'yon sa kanya.







Disenteng tao si Amber, unang kita ko pa lang sa kanya ay aakalain mong santa sa taglay na inusenteng mukha na akala mo ay hindi gagawa ng kahit anong masama.







Maayos ang pananamit at hindi kailanman nagpakita ng sensetibong bahagi ng katawan kaya paano?







Bakit si Amber?







"Pwede ba tayong pumunta sa lamay niya?" Tanong ko, nag-angat ako ng tingin upang hintayin ang kanyang sagot.







Pinahid niya ang luha sa aking pisnge, "Kaya mo ba?" Tanong niya pabalik.







Tumango ako, "G-Gusto ko siyang makita." Paliwanag ko.







Hinalikan niya ang aking noo at tsaka tumango, "Okay,"







"I'll ask Amber's mother." Dugtong pa niya.







"Thank you..." Mahinang wika ko.







Ngumiti siya sa akin at pagkatapos ay tinapos namin ang pagkain, bumalik muli siya sa pagtatrabaho.







SA SUMUNOD NA ARAW, napag-alaman naming hindi ginawan ng burol ang labi ni Amber.







Ayon kay kuya Lazarus ay pina-cremate raw 'yon agad ng pamilya ni Amber at ginawang pribado ang misa na ginawa para sa kanyang abo.







"Are you sure you don't want to come with me in the hospital?" Paninigurado ni Maximo nang hinindian ko siya sa pagsama ko sa kanyang trabaho.







Tumayo ako at lumapit sa kanya, inaayos niya ang kanyang necktie nang lumapit ako at binigyan siya ng mahigpit na yakap sa kanyang bewang.







"Dito na lang ako, wala akong magawa sa opisina mo." Tugon ko, narinig ko ang bahagyang pagtawa niya kaya inangat ko ang aking ulo upang tignan siya.







Hinawi niya ang aking buhok at inipit sa aking tenga pagkatapos ay hinalikan ako sa aking labi ng mabilis.







"Behave here, okay?" Aniya, tumango-tango ako at mas hinigpitan ang aking yakap sa kanya.






"Text me later, sabihin mo kung anong gusto mong pasalubong pag-uwi ko. Bibilhan kita." Wika niya, malapad akong napangiti sa sinabi niya ngunit mabilis rin akong umiling.







"Maaga ka lang umuwi. Okay na 'ko," tugon ko.







Pinisil niya ang aking ilong bago tumango, "I'll be home before five."







"Sige..." Bumitaw na ako ngunit nang akmang tatalikod na ako ay bigla niyang hinapit ang aking bewang at niyakap ako mula sa likod.







PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon