CHAPTER 20

31.7K 796 49
                                    

CHAPTER 20




"DID you found something?" Rinig kong boses ni Doc habang kausap ang pamilyar na lalaki sa aking pandinig.




Minulat ko ang aking mata at unang bumungad ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa ilaw na nasa ibabaw ko.




"She's awake..." Wika ng isang lalaki sa boses ni kuya Jegudiel.




Lumapit si Doc sa akin na nakasuot pa ng malinis na doctor's coat, ang ayos niyang tignan at mas lumalakas ang kanyang dating kapag unipormado.




Agad niyang tinignan ang kalagayan ko, "Are you okay?" Tanong niya.




Tumango ako at napangiwi ng pinilit kong makatayo, "I'll talk to you later, man." Tinapik ni kuya Jegudiel ang balikat ni Doc bago tumango sa akin at umalis.



Naiwan kaming dalawa ni Doc sa loob ng hospital room kung saan ako naka-confine.



"Don't sit, baka mabigla ang katawan mo." Aniya.



Tinulungan niya muli akong makahiga, "B-Bakit ako naka-confine?" Tanong ko.



"You passed out in the car yesterday before we reached the hospital." Paliwanag niya, nagsalin siya ng tubig sa pitchel na nasa tabi ng kama na hinihigaan ko.



Pagkatapos ay ibinigay sa akin, "Drink this," Utos niya. Tinanggap ko ang ibininigay niyang baso na may lamang tubig at ininom.



Naupo siya sa may gilid ng kama at pinakatitigan ako, "Your family went here this morning, I told them you're perfectly fine so they won't worry too much." Pagkukwento niya sa akin.



"Alam na nila?" Tanong ko.



Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok na tumatabing sa aking mukha at pagkatapos ay tumango, "I told them that I'll marry you after you discharge her--Are you okay?" Nataranta siya sa pagkuha ng tissue at pagpunas sa labi kong nabasa dahil sa pagkasamid ko sa iniinom kong tubig.



"K-Kasal?" Nakahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.



Kumunot ang kanyang noo at tinignan ako ng mariin, "Ayaw mo?" Tanong niya.



"G-Gusto p-pero--" Ngumiti siya at halos mabiyak ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.



"That's good." Bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at mabilis na binigyan ng halik ang aking labi.



"Now, rest so you can discharge as early as you can. I'm excited," Aniya. Napanganga ako sa sinabi niya, parang ibang-iba ang taong nasa harapan ko ngayon at kausap kumpara sa taong wala inhibisyong bumaril kay Benji.



Ang noo'y seryoso niyang mukha ay ngayo'y tila walang katapusan ang ngiting nakaukit sa labi.



"A-Anong sabi nila mamang? Nagalit ba sil--"



"Nah-uh, they actually thanked me for making you pregnant. Dinala na rin nila dito ang lahat ng mga gamit mo para doon ka na patirahin sa bahay ko." Sagot niya, nanlaki ang aking mata sa sinabi niya.



"A-Ang mga gamit ko?" 'Di makapaniwalang tanong ko.



"Yes, it's fine for me. I can keep an eye on you twenty-four seven." Paliwanag niya.



Napasapo ako ng aking noo, pinamigay na talaga ako ng pamilya ko.



Hinawakan ni Doc ang aking kamay, "Is it too fast for you?" Tanong niya.



PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon