CHAPTER 25
"M-MAXIMO, NASASAKTAN A-AKO..." Mahinang daing ko habang marahas niya akong hinahaltak papasok sa aming bahay.
Nang makapasok ay agad niya akong tinulak paupo sa sofa, nakatingin sa amin ang mga maid at gwardiya na naglilibot sa loob.
Miski si Osric at Thales ay nakatayo sa gilid at bakas sa mukha ang pagtutol sa gagawin ni Max.
"Sir Ma——" Magsasalita pa lang sana si Osric nang putulin ni Maximo ang balak niyang sabihin.
"Leave us alone." Malamig ngunit puno ng otoridad na utos ni Maximo sa kanila.
Agad na tumalipas ng alis ang mga katulong at gwardiya hanggang sa kaming apat na lamang ang nandoon, hindi pa sana aalis si Osric nang haltakin siya ni Thales palabas.
"S-Sandale, mali ang iniisip m——" malakas niyang hinampas ang babasaging center table at tumingin sa akin ng mariin.
"Is he the reason why you fucking sneaking out everyday? Just to meet that son of a bitch?" Nakakakilabot ang kanyang boses habang nagsasalita.
Agad akong umiling, "H-Hindi, kanina lang kami nagkita dahil niyaya niya ako——"
"And you fucking agreed?" Nahihimigan mo ang galit sa tono ng kanyang pananalita kaya halos mangatog ako sa takot.
"H-Hindi sa gano'n, Maximo. Boss ko siya dati at hin——" Bawat pagsasalita ko ay hindi niya pinapatapos.
"He was your fucking boss! And I am your husband now, Larisa! Why did you fucking agreed to eat breakfast with him?" Napitlag ako.
"Hindi naman big deal sa akin ang bagay na 'yon..." Mahina at kalmadong wika ko kahit ang totoo ay kinakabahan na ako sa kanya.
"Well it was a fucking big deal to me, Larisa!" Sigaw niya kaya napakurap-kurap ako at 'di makapaniwalang tinignan siya.
"Do you really think I wouldn't find out everything that happened on your younger brother? You didn't even bother telling me, and what did you do? You asked for someone's help!" Hinawakan ko ang kanyang kamay upang pakalmahin siya.
"H-Hindi naman 'yon ang gusto kong mangyari, a-ayaw ko lang dumagdag pa sa pasanin m——"
"Damn it, Larisa! I am your husband, I am responsible for everything about you and even to your family! Why can't you see that?" Tanong niya sa akin.
Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri at tiim-bagang na tinignan ako.
"From now on, I don't want to see you again with that asshole. I swear, Larisa, you wouldn't like what I'll do to that son of a bitch if ever I caught you again..." Banta niya, tumango ako sa sinabi niya upang kahit papaano ay kumalma na siya.
Tumayo siya at naglakad papalayo, nang hahawakan na niya ang door knob ng pintuan ay nilingon niya ako.
"What are you doing? Let's go..." Kahit pasigaw ang tono niya ay ramdam kong kalmado na siya.
Kumunot ang aking noo at tinignan siya, "S-Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"To your brother, I'll transfer him to White Hospital." Tugon niya. Agad akong tumango at sumunod sa kanya palabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)
RomanceWARNING: R18+ A/N: Read at your own risk. Doctor. PSYCHOPATH SERIES #4: Marquis Xavius Morris Zalduque Deceived Shot DATE STARTED: June 3, 2020 DATE FINISHED: July 5, 2020