CHAPTER 33
"HETO ang cellphone ni Niño, ikaw na ang magtago nito, Anak." Wika ni mama sabay abot sa akin ng itim na cellphone ni Niño na ako pa mismo ang bumili sa para sa kanya noon.
Wala akong tigil sa iyak habang pinagmamasdan ang mga dalawang lalaki na naka-blue na uniform na pang-hospital habang nililipat sa mas maliit na kama ang namumutlang katawan ni Niño.
"A-Anak, aasikasuhin muna namin ang lahat ng kailangan. Maiwan ka na muna dito at antayin ang asawa mo." Ani mamang.
Hindi ko siya pinansin at nanatili sa aking posisyon na nakatakip ang dalawa kong palad sa aking mukha kahit hawak-hawak ko ang cellphone ni Niño.
"Lara, sumama ka na muna sa amin. Hayaan mo muna ang kapatid mong mapag-isa." Wika ni Tiya kay ate.
Wala akong narinig na sugot kung hindi ang mga yabag nila na paalis ng kwarto kung nasaan ako.
Tanging pagbukas at pagsara ang aking narinig bago tuluyang lamunin ng katahimikan ang buong kwarto.
Ang pag-iyak ko na lang ang naririnig ko habang paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang masiglang mukha ni Niño na parating sumasalubong sa akin noon.
Ang malapad niyang ngiti na parating nagbibigay ng kulay sa bawat araw ko at ang bawat halakhak niya sa tuwing aasarin ako na kumukumpleto ng araw ko.
"N-Niño... Ang d-daya mo, iniwan mo agad ako..." Hinawakan ko ang aking tyan kung nasaan ang baby ko.
"Hindi na tuloy makikita ng pinsan mo kung gaano ka kagwapo... Sa p-picture ka na lang niya makikita..." Mabibigat ang aking paghinga habang pilit na kinakalma ang aking sarili.
Napagpasyahan kong buksan ang kanyang cellphone ngunit may lock ito, sinubukan ko ang kanyang kaawaran ngunit hindi gumana.
Ang kaarawan nila mamang at papang ngunit hindi rin gumana.
Nagbabaka sakali kong pinindot ang kombinasyon ng aking kaawaran at laking gulat nang bumakas 'yon.
Bumungad sa akin ang aming litrato na magkasama, wallpaper niya 'yon kaya mas lalong dumoble ang sakit sa dibdib ko.
Binuksan ko ang kanyang gallery at nakita ang kanyang mga litrato sa iba't-ibang lugar at anggulo.
Lahat ay malapad ang kanyang ngiti at tila walang iniindang sakit, "S-Siraulo ka talaga..."
Kahit ilang beses ko nang pilit na pinapahid ang mga luha sa aking mata ay hindi matigil 'yon sa paglabas.
Nandoon pa at naka-save miski ang mga video namin na sumasayaw at nagkukulitan. Lahat ay naka-save sa gallery niya kahit ang mga picture ko at nila mamang na palihim niyang kinukuhanan.
Dumako ako sa videos ng kanyang cellphone at isa-isang ni-play ang tatlong clips na nandoon na puro mukha niya ang thumbnail.
Unang video ay halos madurog ang puso ko nang makita ang probinsya namin kung saan niya kinunan ang video.
Nasa taas siya ng puno ng mangga habang nakahiga at pinagmamasdan ang papalubong na sikat ng araw.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)
RomanceWARNING: R18+ A/N: Read at your own risk. Doctor. PSYCHOPATH SERIES #4: Marquis Xavius Morris Zalduque Deceived Shot DATE STARTED: June 3, 2020 DATE FINISHED: July 5, 2020