CHAPTER 29
"LARISA," Napamulat ako nang marinig ang pagtawag ni Maximo sa aking pangalan.
Gabi na at patulog na sana ako ngunit nang-iistorbo siya kaya napairap ako. "Ano?"
"Galit ka ba?" Tanong niya.
"Bakit naman ako magagalit?" Sarkastikong tanong ko.
Naramdaman ko ang bahagyang pag-usog niya palapit sa akin at ang pagyakap niya sa akin mula sa likod.
Agad kong binaklas ang kanyang kamay at nagtalukbong ng kumot upang hindi niya makita ang aking mukha.
"You're mad." May paninigurado sa kanyang tono habang nagsasalita.
"Hindi ako galit." Malamig na tugon ko.
Pinipilit niyang tanggalin ang ang kumot na nakatabing sa aking mukha ngunit hindi ko hinahayaang magtagumpay siya.
"Don't sleep yet, I know you're mad at me. Mag-usap muna tayo." Pangungumbinsi niya.
"Sinabi na ngang hindi ako galit. Bukas na tayo mag-usap, inaantok na ako." Tugon ko at pilit na hinahaltak ang kumot.
"Galit ka, alam kong galit ka. Hindi tayo matutulog hangga't hindi mo sinasabi kung bakit ka gali--" Bago pa niya matuloy ang kanyang sasabihin ay mabilis akong bumangon at sinamaan siya ng tingin.
"Sinabi ko na sa'yo na hindi ako galet! Paulit-ulit ka, sinabi nang inaantok na 'ko! Hindi ako galet pero dahil pinipilit mong galit ako, oo galit na ako ngayon!" Bulyaw ko sa kanya.
Umupo rin siya at pagkatapos ay sumandal sa head rest ng kama.
"Hmm, go on. Magalit ka lang," Wika niya na parang hindi iniinda ang talim ng tingin ko.
"Nakakainis ka! Sinabi na ngang hindi ako galit pero pilit ka ng pilit na galit ako! Inaantok ako pero iniinis mo 'ko ng ganito!" Halos maluha-luha ako habang binubulyawan siya.
Umayos siya ng upo at umusog palapit sa akin, mabilis niya kaong kinabig at niyakap.
Hindi ko alam kung bakit ako humahagulgol sa kanyang dibdib nang kabigin niya ako.
Hindi naman talaga ako galit, paulit-ulit lang siya kaya ngayon ay galit na ako.
Naiinis lang ako sa kanya dahil hindi man lang niya napansin na masama ang loob ko at nagseselos ako.
"Ang hirap magbuntis ng asawa ko, bigla-biglang nababaliw." Mahinang pagbibiro niya kaya mas lalo akong napaiyak, hinampas ko ang kanyang dibdib pagkatapos ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Tumigil ka," utos ko sa kanya.
Mas lalo siyang tumawa at pagkatapos ay mas hinigpitan ang yakap sa akin.
Inangat niya ako ang mukha at pinahid ang luha sa aking pisnge, "Why are you crying?" Tanong niy Sa akin.
"Am I making my baby upset?" Dugtong pa niya habang patuloy na pinapahid ang aking luha.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)
RomanceWARNING: R18+ A/N: Read at your own risk. Doctor. PSYCHOPATH SERIES #4: Marquis Xavius Morris Zalduque Deceived Shot DATE STARTED: June 3, 2020 DATE FINISHED: July 5, 2020