A/N: This is the last chapter, stay tune tomorrow for Wakas and three Special Chapters. :))
CHAPTER 40
"NAKO, ma'am Pilar, ang dami niyo naman pong niluto." Komento ng isa sa mga kasam-bahay na katulong ko sa pagluluto.
"Syempre, noche buena at tsaka dapat ay walang matutulog ng gutom." Pagbibiro ko. Tumawa sila at pinakatitigan ang mga handa na nasa lamesa.
Nag-gisa ako ng sibuyas at bawang para sa Carbonara na ihahanda para mamaya. Sinunod ko ang procedure na tinuro ni manang Dory sa akin bago siya umuwi ng probinsya nila para mag-celebrate ng pasko at bagong taon.
Pinapauwi ko nga rin ang ibang mga kasam-bahay pero hindi na raw dahil may kanya-kanya ng pamilya ang mga pamilya nila.
"Kailangan lahat tayo ay mag-enjoy. Minsan lang sa isang taon ang pasko," komento ko.
"Ang swerte talaga namin sa inyo ni sir Max, ma'am Pilar. Bukod sa pinag-aaral niyo na po sila Gloria ay nakakatanggap pa kami ng regalo at bonus." Wika ni Kristy.
Tumawa ako, "Pinagtatrabahuhan niyo naman ang lahat ng natatanggap niyo tsaka deserved niyo 'yon kaya huwag na kayong mahiya." Tugon ko.
Narinig ko ang boses ni Lucifer na tinatawag ako, "Mom, take a look!" Aya niya sabay haltak sa laylayan ng damit ko.
"Kristy, ikaw muna ang magluto." Utos ko na agad naman sinunod niya.
Nagpahaltak ako kay Lucifer hanggang sa makarating kami sa sala, nanlaki ang aking mata nang makita ang malaking kahon na nababalutan ng kulay pulang gift wrapper na pang-christmas.
Katabi no'n si Maximo at Nicholai na nag-aantay sa akin.
Natawa ako nang makita ang suot nilang mag-ama, tsaka ko lamang din napansin na naka-costume rin si Lucifer.
"Bakit ganyan ang mga suot niyo?" Natatawang tanong ko.
Nakasuot sila ng Santa Claus outfit, tapos ay may pekeng puti at kulot-kulot na buhok at pekeng puting bigote at balbas.
"Dad, kuya and I planned to surprise you, mom." Ani Lucifer at hinaltak ako papalapit sa malaking box.
Agad na pinalibot ni Maximo ang kanyang braso sa aking bewang, "Open it," utos niya.
"Hindi ba dapat ay mamayang twelve para sabay-sabay tayong magbukas ng regalo?" Tanong ko sa kanila.
Umiling si Nicholai, "This gift is made by the three of us, Mom. Iba pa ang regalo namin sa'yo na magkakaiba." Paliwanag niya.
Namangha ako, "Ang sweet naman ng mga santa ko.." Puro ko at bahagyang lumuhod upang halikan sa pisnge si Nicholai at Lucifer.
"What about me?" Tanong ni Maximo.
Natawa ako at tumingkayad upang abutin ang kanyang labi, saglit lamang 'yon ngunit nang maglayo ang aming labi ay malapad ang kanyang ngiti.
"Thank you," Wika ko sa kanya.
Hindi mapawi ang ngiti niya habang nakatingin pa rin sa akin. "Open it now, I'm sure you'll gonna like it." Aniya.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)
RomanceWARNING: R18+ A/N: Read at your own risk. Doctor. PSYCHOPATH SERIES #4: Marquis Xavius Morris Zalduque Deceived Shot DATE STARTED: June 3, 2020 DATE FINISHED: July 5, 2020