CHAPTER 24

26.2K 682 58
                                    

CHAPTER 24








"MA'AM, hindi niyo po ba talaga sasabihin kay sir Max?" Tanong ni Osric habang nasa kalagitnaan ng byahe papunta sa Primeshine Entertainment.






"Sasabihin ko rin naman kapag nakahanap na ako ng paraan, nakita niyo naman kung paano sila mapagod kakahagilap sa gumawa no'n kay Amber." Tugon ko.






Ilang araw na kase ang nakalipas simula nang malaman kong naka-confine si Niño at ilang araw na ring umuuwi ng pagod at may isang beses pa na gabi na kung umuwi dahil sa walang tigil nila na paghahanap sa nanggahasa kay Amber.






Dumagdag pa ang asawa ng kaibigan ni Maximo na nakunan raw at namatay ang pinagbubuntis.






"Pero paniguradong nagtatakha na si sir sa pag-alis mo araw-araw, ma'am. Naghihinala na 'yon," wika ni Thales habang nagmamaneho.






Napag-isip ko na rin ang bagay na 'yan kaya mas doble ang ingat ko kapag nasa bahay ako.






"Mas mag-ingat na lang rin kayo, siguraduhin niyong hindi niya malalaman ang tungkol dito. Ayokong dumagdag pa sa problema niya." Bilin at paliwanag ko sa kanila.






Bumuntong hininga sila at inilipat na lamang ang atensyon sa kalsada.






Nang makarating sa Primeshine ay agad akong bumaba ng sasakyan, akmang susunod si Osric at Thales sa akin nang pigilan ko sila.






"Huwag niyo na akong sundan sa taas, dito na lang kayo." Utos ko, akma silang aalma nang talikuran ko sila at mabilis na pumasok sa loob ng building.






Agad akong nagtungo sa aming floor kung saan ang studio namin nila Bright noon. Paniguradong nandoon sila at nagpa-practice, plano kong mangutang sa kanila.






Ibabalik ko rin naman, plano kong magtrabaho habang hindi pa malaki ng sobra ang tyan ko. Hangga't kaya ko, magta-trabaho ako para sa ikagagaling ng kapatid ko.






Pipilitin ko para kay Niño.






"Pilar?" Agad silang naglingunan sa akin nang makita akong makapasok sa studio.






Agad na tumakbo si Mari at Josefina upang salubungin ako ng mahigpit na yakap, "Gaga ka! Bigla-bigla kang nawawala!" Ani Mari.






Agad ko silang tinulak ng marahan palayo, "Baka masaktan si baby," Wika ko sabay himas sa aking tyan.






Agad akong nakatanggap ng batok mula kay Mari, "Te, wala kang jowa, 'wag kang assumera." Aniya.






Agad ko siyang sinamaan ng tingin, "Gaga, kasal na 'ko." Wika ko sabay wagayway ng aking kamay na may singsing.






Agad na nanlaki ang kanilang mata, miski si Bright ay tumakbo palapit sa akin at pinakatitigan ang singsing sa aking kamay.






Ang akala ko ay titili sila sa tuwa ngunit sabay-sabay nila akong sinamaan ng tingin, "Kinasal ka ng hindi namin alam!" Sigaw nila sa akin.






Napakamot ako sa aking ulo, "Pasensya na, biglaan lang din kase 'yon. Pero ikakasal raw uli kami sa simbahan kaya invited na kayo," Mabilis na pambawi ko.






Nagtitili sila sa tuwa at nakatanggap pa nga ako ng sabunot, "Sabihin mo dali! Sinong malas na lalaki ang nabingwit mo?" Tanong ni Bright habang niyuyugyog pa ako.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon