Chapter 7: Streetfood

3 2 0
                                    

Reis Avery

"Oh my ghod! Akala si aketch hindi na makakalaro sa Finals si Fafa Ryke"

"Wag ka ngang feeling, ikaw ba coach? "sumbat ni Jam kay Elvis.

"duhh, I'm # 1 fan kaya"

Nandito nga kami sa Clinic at lahat ay nakahinga dahil sinabi ng nurse na hindi ang injury o sprain ang dahilan ng papanakit ng tuhod ni Jett kanina kundi normal lang yon sa isang tao kapag hindi nito inaasahan ang pagbagsak ng sariling katawan sa sahig.

Maaring nabigla lang ang ligaments sa tuhod ni Jett pero ginamitan lang yon ng icebag sa parteng tumama sa sahig na medyo namula at namaga.

Pero nasa sa kanya na daw yon kung kaya nyang maglaro sa finals bukas dahil okay naman daw ang joint sa tuhod.

"Pssh, oo na baklang # 1 fan ko, nakakabingi ang mga bunganga nyo! "pigil ni Jett sa dalawa.

"Nahiya ako Ryke, na sprain ka lang... Yumabang ah! "tatawa tawang ani kuya Bryle na nakahilig sa hamba ng pinto.

Kinabig siya sa dibdib ni Zayden at bumaling kay Jett na nakaupo parin sa bed nitong clinic habang dinadampi dampian ng kambal nya ang tuhod na nakataas sa isang monoblock.

"Kamusta ang pakiramdam mo? "

"wala to! cap... haha"peke pang tumawa si Jett kaya napairap na lang ako sa kawalan.

"Di ka pwedeng mawala sa final, taas ng talon mo eh "pang aasar sa kanya ni Zayden.

"Tss... Ibang klase kasi tira mo cap... Lumamang pa tayo eh"ngising aso niya.

At ng maburyo ako ay mabilis na akong tumayo sa long bench at lumabas.

"Woi tomboy! San ka pupunta? "

Siraulo!  Ah hindi... Sira tuhod pala.

"Tatalon sa rooftop, sama ka? "

Narinig ko pa ang tawa ni kuya Bryle pero mabilis na akong nakalayo at nagtungo sa locker room para kunin ang gamit ko.

Kanina ko parin gustong umuwi pero baka mag isip ng masama sakin si ate Hayley kapag hindi ko man lang kinonprunta ang kambal nya.

Namulsa akong naglakad sa hallway ng may makasalubong akong pamilyar na babae.

Si Miss Sexy and Fashionista!

Nakasuot siya ng white Spaghetti strap na pinaibabawan ng mahabang light purple sleeveless smock blazer hanggang hita at Distressed jeans partner with cream Heel-strap sandals and white handbag.

Tomboy na ata talaga ako! Ang ganda nya ah.. Ang stylish.... Ang galing ng color choises.

Hindi, hindi ako tibo para magkagusto sa kapwa ko kasarian. Inlove lang ako sa fashion.

Mala-Lily Cruz ng Wild Flower ang outfit... Model ba to?

Pero ano namang ginagawa nya dito?

Walang emosyon nya akong nilampasan ng hindi man lang ako sinulyapan habang ako naman ay sinundan pa ng tingin ang umaalon nyang V-shape na hanggang pwetan na buhok bago sya lumiko papunta sa clinic.

Napabuntong hininga na lang akong tumingin sa suot ko at ang layo nga naman sa hubog nyang katawan sa katawan ko.

Pero teka, eh ano naman Reis?

Iiling iling akong sumakay ng Bus at umuwi sa bahay na panay ang kamot sa batok.

***

Pagkarating ko sa bahay ay agad ko ng dinrawing si Miss Sexy and Fashionista.
At ng matapos ay kumunot ang noo ko dahil pamilyar talaga ang tindig ng babae.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now