Chapter 19: Lesbian

2 2 0
                                    

Reis Avery

"Ano Reis? Attend ka ba ng Christmas party? "

Lumingon ako kay Jam habang may kinakalkal sa locker nya.

Sa ganoong bagay ay alam nyang malabo akong umattend dahil paniguradong pagandahan na naman ng suot iyon.

Pero dahil sayang naman ang chance na makasalo ang mga classmate ko at hindi na naman kami magkikita sa loob ng dalawang linggo ay nagdadalawang isip pa ako.

"Titingnan ko"tugon ko at sinara ang locker ko pagkatapos maipalit ang gamit.

"Wow ah, bitter lang Reisigirl? "singit ni Elvis na nakaupo sa bench at nagkukutkot ng kuko.

Bumuntong hininga si Jam at ngumiwi sakin "Sayang naman, midnight party and snack yon"nguso niya.

Nauna akong lumabas at sumunod naman sila "Sabi ko, titingnan ko....di pa ako sigurado eh"

Isinukbit ni Elvis ang braso nya sa braso ko at nakisabay sa paglalakad ganun din kay Jam.

"How wonder kapag pool party pagkatapos Right? "suggestion ni Elvis.

Lahat na lang?

Werdo ko naman syang tiningnan " Hindi allowed yon hanggat school time pa,mamaya ano pang mangyari jan "

"Wag ka na magtaka Reis, dalagang bukid yan, pinasosyal lang sa pool hahah"halakhak ni Jam kaya ngumuso naman si Elvis dahilan para mahawa ako kay Jam.

Dalagang bukid. Pffft!

Panay ang asar ni Jam kay Elvis hanggang room ganun din sa next period.

Dumating ang lunch ay agad kaming sinalubong ni ate Joy sa paglabas sa room para ayain na sa labas kumain.

Tatanggi sana ako pero dahil gutom na din ako at hindi ko na mapipigilan ang dalawa ay sumama na rin ako.

Napapansin kong kapag sa labas ang kain namin ay napaparami ang kain ko kesa sa canteen.

Dalawang kanin at isang adobong atay ng manok agad ang inorder ko dahil alam kong mabibitin ako sa isa.

As usual ay nandon ang kambal,Zayden at kuya Bryle.

May treat pang halo halo si kuya Bryle para saming lahat dahil nalalapit na daw ang birthday nya ang kaso ay sa weekend iyon.

"Pool party fafa Bryle dali! "ayan na naman ang tili ni Elvis.

Natawa naman si kuya Bryle at sumulyap kay ate Joy "Baka hindi payagan si Ghiana"

Ano yan? 10 years old? Strikto naman ng rules!

"Try ko kay dad"agad na tugon nito na hindi man lang tumitingin kay kuya Bryle.

"Malawak ang bukid sa likod bahay namin Elvs, don ka na lang kaya... Kanina ka pa pool ng pool"sabat ni Jam dahilan para matawa na naman si kuya Bryle.

"Pero pwede rin naman Jamiah, pool party sa bahay nina Bryle kasi once lang naman ang birthday nya a year, diba? "suhestiyon ni ate Hayley na busy sa bulalo.

Napapansin kong iyon ang kadalasan nyang orderin. Minsan pa ay tinatawan namin siya sa matunog nyang paghigop ng sabaw.

"See Jamiahgirl? "pagmamayabang naman ni Elvis.

Siniringan lang siya ni Jam dahil oras na magsalita ito ay pang aasar na naman iyon kay Elvis.

"Hmmn, Reis...ikaw ba? Pwede? "

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now